Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 470 total views

Homiliya para sa Linggo ng Banal na Santatlo, Ika-12 ng Hunyo 2022, Juan 16:12-15

Alam kong naging pamilyar na sa inyo ang salitang SYNODALITY dahil ito ang itinataguyod na diwa ni Pope Francis sa Simbahan ngayong kasalukuyan. Dahil tayong lahat ay naglalakbay sa mundong ito, mahalaga daw ayon sa kanya na pag-aralan natin ang “sama-samang pakikilakbay”. Iyon ang literal na ibig sabihin ng salitang SYNODALITY: “together on the way.”

Sa araw na ito ng Kapistahan ng Banal na Santatlo, naisip kong iugnay ang kahulugan ng SYNODALITY hindi lang sa tao kundi sa Diyos mismo bilang Banal na Santatlo.

Santatlo ang translation natin sa salitang TRINITY. Ang galing naman ng Filipino ano? Napakadali nating gumawa ng salita tungkol sa pagkakaisa ng marami. Lagyan mo lang ng “prefix” o unlaping SANG- o SAM-, sapol na agad ang ibig sabihin. Gaano man kaarami natutukoy natin bilang isa. Halimbawa: sangkaterba, sandamakmak, sangdamukal, sanduguan, sangkatauhan, sambahayan, sambayanan, sangnilikha, santinakpan.

Pag sinabi natin na ang Diyos ay Santatlo, hindi natin sinasabing ang Diyos ay tatlo kundi pagkakaisa ng tatlong persona: Ama, Anak, at Espiritu Santo. Ibig sabihin, ang pagiging ISA ng ating Diyos ay hindi PAG-IISA kundi PAGKAKAISA.

Alam natin ang pagkakaiba ng PAG-IISA sa PAGKAKAISA. Negative ang PAG-IISA, positive ang PAGKAKAISA. Di ba iyon ang sinasabi ng madalas nating kantahin sa simbahan, “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang.” Iyung mabuhay at mamatay para sa sarili lamang, iyon ang PAG-IISA. Malungkot iyon. Ok lang na magsarili, pero hindi ok na maging makasarili.

Sa ebanghelyong narinig natin, nagsasalita si Hesus bilang Anak. At ang sabi niya, “Dadakilain ako ng ESPIRITU dahil ang ipapahayag niya sa inyo ay nagmula sa akin. At lahat ng nasa akin ay sa AMA nanggaling.” Ibig sabihin, anuman ang sa Ama ay sa Anak din, at anuman ang sa Anak ay sa Espiritu Santo rin.

Di ba may ganito tayong kinakanta noong mga bata pa tayo? “Ang akin ay iyo ang iyo ay akin, kung tayo ay samasama, tayo ay masaya.” Mga bata pa lang tayo tinuruan na tayong magmalasakit sa kapakanan ng isa’t isa kung ibig nating mabuhay na masaya. Hindi magandang laging bukambibig ang AKIN, as in AKIN ITO, AKIN IYAN. Palagay ko inimbento ang salitang SAKIM para tukuyin ang mga mahilig mangamkam at di marunong magsabing ATIN, imbes na AKIN.

Kaya siguro naiinis ako pag nakikita ko iyong ipinapaskel sa mga barangay: TAPAT KO LINIS KO. Ba’t di na lang BARANGAY NATIN LINIS NATIN? O kapag nagpicnic, hindi ba mas maganda, imbes na KKB (kanya-kanyang baon) SSB (sama-samang baon)? Sa karanasan natin, di ba pag KKB, mabilis maubusan, pero pag SSB, sobra sobra?

Sabi ni Pope Francis isang katangian ng simbahang sinodal ang COMMUNION—pakikipagkaisang-puso at diwa. At ito ang dahilan kung bakit pinagkalooban tayo ng iisang Espiritu sa binyag. Ang Espiritu ang magtuturo sa atin na magkaisa kung paanong ang Ama at Anak ay nagkakaisa.

May karugtong pang pangalawang salita ang COMMUNION, ayon sa Santo Papa: PARTICIPATION, pakikibahagi. Ang maraming alagad na nagkakaisang puso at diwa ay natututong ituring ang bawat isa bilang kabahagi. Ito ang nangyayari kapag marunong na tayong magmalasakit sa isa’t isa. Nasasabi natin, “Hindi ka na iba sa akin.” Pag natututo tayong makipagkaisang-puso at diwa, natututunan din nating maramdaman ang sakit at kaligayahan ng isa’t isa, dahil tayo’y nagiging iisang katawan kay Kristo.

Ganoon din sa Diyos, ayon kay Kristo. Kaya sinabi niya rin sa ebanghelyo, “Pagdating ng Espiritu Santo, gagabayan niya kayo sa buong katotohanan. Ang ipahahayag niya ay ang narinig niya sa akin.” (Ang sinimulan ng Anak, itutuloy ng Espiritu.) Ibig sabihin, ang hangarin ng Anak ay ang tuparin ang hangarin ng Ama at tinutupad din ito ng Espiritu Santo.

Sa lahat pala ng gawain ng Diyos—ang paglikha, ang pagtubos o pagpapanatili—sama-samang gumagawa ang Banal na Santatlo. At dahil kalarawan niya tayo, mahalaga din sa atin ang sama-samang paggawa. Sa Ingles, TEAMWORK. Ang prinsipyo ay tulungan hindi gulangan. May tunay na partisipasyon ang bawat isa. At totoo naman na mas higit pa ang nakakayanan nating gawin kapag tayo ay nagtutulungan.

Minsan kahit gaano kahusay ang isang tao, kung hindi siya marunong makitrabaho, kung hindi siya team-player, sayang pa rin. Sa basketball, buwaya ang tawag sa kalaro na basta pinasahan ng bola hindi na bibitawan at shoot kaagad kahit hindi ready.

May pangatlo pang sangkap ang SYNODALITY ng Diyos. At ito ang MISYON. Sa misyon, may nagsusugo at may isinusugo. Ang Anak ay sugo ng Ama, ang Espiritu ay sugo ng Anak at Ama. Ang pagkilos ng Diyos parang paikot, pabilog, laging lumalabas sa sarili. Parang ipu-ipo ang galaw ng Santatlo, nagsisimula sa maliit, lumalaki. Pero ang epekto ay kabaligtaran ng ipu-ipo. Imbes na makasira, nakalilikha, nakapagbabago, nakapagpapabuti, nakapagpapatotoo, nakapagpapaganda.

Sabi ni Pope Francis—hindi pa tayo lubos na Kristiyano kung hanggang pagsunod lang tayo. Kaya tayo sumusunod ay para tayo ay maisugo, para magdala ng mabuting balita, upang maranasan natin ang langit sa lupa, upang maranasan natin sa daigdig ang paghahari ng Diyos. Ang Diyos na Santatlo ang nagpapagalaw sa Simbahan upang habang umuunlad tayo sa communion, participation at mission, unti-unti rin tayong nagiging sanhi ng pagbabago ng lipunan at ng buong sanlibutan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 16,827 total views

 16,827 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,483 total views

 31,483 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,598 total views

 41,598 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 51,175 total views

 51,175 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 71,164 total views

 71,164 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,044 total views

 7,044 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,174 total views

 9,174 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,173 total views

 9,173 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,175 total views

 9,175 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,171 total views

 9,171 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,043 total views

 10,043 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,245 total views

 12,245 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,278 total views

 12,278 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,632 total views

 13,632 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,728 total views

 14,728 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,936 total views

 18,936 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,655 total views

 14,655 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,024 total views

 16,024 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,286 total views

 16,286 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,979 total views

 24,979 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top