519 total views
Personal na pinangunahan ni Puerto Princesa, Palawan Bishop Bishop Socrates Mesiona ang ocular inspection sa housing project ng bikaryato para sa mga biktima ng bagyong Odette.
Kasama ang ilang kasapi ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa (AVPP) Emergency Operations Center ay personal na binisita ng Obispo ang on-going construction sa proyektong pabahay ng Simbahan sa Langogan, Puerto Princesa.
Tinagurian ang lugar na “Caritas Village” na magsisilbing bagong tahanan at komunidad para sa 63 pamilyang lubos na naapektuhan ng bagyong Odette.
Inaasahang matatapos ang proyektong pabahay ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa (AVPP) sa Agosto ng kasalukuyang taon sa pamamagitan na rin ng tulong at suporta ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na Caritas Philippines, Diocese of Kalookan at maging ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa City.
Disyembre ng nakalipas na taong 2021 ng manalasa ang bagyong Odette kung saan lubos na nasalanta ang mga probinsya ng Palawan, Surigao del Norte, Dinagat Islands at ilan pang probinsya sa Visayas region.