1,149 total views
Isinusulong muli ni Father Nolan Que ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) National Capital Region Trustee sa mga mag-aaral ang mabubuting kasanayan sa pag-aaral sa panunumbalik ng face-to-face classes sa School Year 2022-2023.
Ayon sa Pari, mahalagang maiturong muli ng mga guro at catholic educator sa mga estudyante ang ‘disiplina’ sa pag-aaral dahil narin sa mga pagbabagong idinulot ng online at blended learning bunsod ng COVID 19 pandemic.
“Wether we like it or not iba talaga yung eskwelahan sa tahanan. I know that home becomes the first school but the real learning takes places in the physical schools,” pahayag ng pari sa panayam ng Radio Veritas.
Batid din ni Father Que na mahalaging maibalik ang kasanayan ng mga estudyante sa pisikal na pakikisalamuha sa kapwa mag-aaral na pinangangambahang pinahina ng matagal na pananatili sa kanilang tahanan.
Itinuturing din ni Father Que na ang bagong taon ng pag-aaral bilang ‘Progressive Face-to-face’ dahil sa pag-asa at mga bagong posibilidad na maaring idulot ng dagliang panunumbalik ng pisikal na klase.
“So let’s all pray that this will really be a start- I don’t call it a new normal this can be a start of a better, better normal for all our schools and all of us,” paglilinaw ng Pari.
Pahayag ito ni Father Que sa layunin ng Department of Education na mapairal ang limited face-to-face classes sa mga pampribado at pampulikong paaralan sa buong Pilipinas.
Batay sa pinakahuling datos ng DepEd noong nakalipas na buwan ng Mayo ay aabot sa 48-libo ang lahat ng pampublikong paaralan, habang may mahigit 13-libo naman ang mga pribadong paaralan sa buong bansa.