Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang sinasalamin ng Hacienda Tinang

SHARE THE TRUTH

 237 total views

Mga Kapanalig, mahigit 80 katao na kinabibilangan ng mga magsasaka at ilang tagasuporta nila ang marahas na inaresto ng mga pulis sa Barangay Tinang, Concepcion, Tarlac noong ika-9 ng Hunyo sa kasong malicious mischief at illegal assembly. Naganap ito isang araw bago ang anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP at kung kailan sama-samang gagawin ng mga magsasaka tinatawag nilang “bungkalan”.

Isang kooperatibang umaangkin sa mahigit 200 ektarya ng lupa sa Hacienda Tinang ang nagreklamo at naghain ng kaso laban sa mga magsasaka. Ayon sa koop, mag-aanim na taon na nilang hawak ang kaukulang certificate of land ownership award o CLOA. Tinututulan ito ng mahigit sa 200 magsasaka o agrarian reform beneficiaries (ARB) na nagsabing hawak na nila ang CLOA noong 1995 pa. Handa na nga noon ang Department of Agrarian Reform (o DAR) na italaga o i-install ang mga magsasaka sa kani-kanilang lupa nang magpetisyon ang koop na ipawalambisa ang naturang desisyon sa pag-install ng DAR sa mga magsasaka ng Tinang.

Paano nangyaring dalawang grupo ang nagsasabing hawak nila ang CLOA? Sinabi ng kooperatibang ang lupa ay napaupahan o napaarenda nila, subalit wala naman itong maipakitang mga dokumento katulad ng lease contract. Nasa 400 ang miyembro daw ang koop, ngunit natuklasang ang mayoryang nagmamay-ari ay si mayor-elect Noel Villanueva ng Tarlac. Nang nag-uusap na ang dalawang kampo upang magkaroon ng kompromiso, hindi makapagdesisyon ang mga opisyales ng kooperatiba. Kailangan pa raw tanungin ng kanilang abogado ang principal client niyang si Ginoong Villanueva.

Hangarin ng repormang agraryo na ipamahagi sa maliliit na magsasaka ang lupang matagal na nilang sinasaka at pagyamanin ito para sa ikauunlad ng buhay nila at ng kanilang pamilya. Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang pribadong pag-aari—katulad ng lupa—ay may panlipunang aspeto. Ibig sabihin, ito ay dapat gamitin para sa kapakanan at kaginhawaan ng nakararami, hindi lamang ng iilan.

Sa ating bansa, napakaraming kasong hindi lamang iisa ang umaangkin sa lupang napasailalim sa repormang agraryo, at karaniwang nakakaharap ng mga magsasaka sa alitan sa lupa ay ang mga maykayang tao o malalaking kompanya. Sa kaso ng Hacienda Tinang, kahit ang organisayon ng kooperatiba kung saan ang lahat ng miyembro ang silang dapat nakikinabang at hindi ng may pinakamaraming pagmamay-ari ay ginamit na rin para sa pansariling interes ng iilan.

Maganda ang layunin ng repormang agraryo ngunit sadyang may mga handang baluktutin ang matuwid na pamamaraang ito para lamang makinabang ang mga iilang nakaririwasa at manatiling mahirap ang mga nasa laylayan katulad ng ating mga magsasaka. Salungat ito sa turo ni Hesus na magpalaganap ng kabutihan sa nakararami, lalo na sa mga kapus-palad. Sabi nga sa Mateo 5:4 at 9, “Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat aaliwin sila ng Diyos… Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan sapagkat sila’y ituturing na mga anak ng Diyos.”

Sa mga kaso ng alitan sa lupa, napakahirap tahakin ang daan patungong kapayapaan. Ngunit patuloy pa rin ang ating simbahan sa pagsulong sa kapayapaan. Sabi nga ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, ang tunay na kapayapaan at pagkakasundo ay makakamit sa pagbubuo ng isang lipunang nakabatay sa paglilingkod sa kapwa. Ang tunay na kapayapaan ay matatamo lamang sa ating pagsusumikap sa hustisya sa pamamagitan ng pakikipagdiyalogo, pakikipagsundo, at sa sama-samang paglago.

Bilang update, mga Kapanalig nagpiyansa at napalaya na noong isang Lunes, apat na araw mula sa kanilang pagkakaaaresto, ang mga magsasaka sa Tinang at kanilang mga taga-suportang nakulong. Nakatakda sa Biyernes ng linggong iyon ang arraignment at pre-trial conference. Subaybayan natin ang pangyayaring ito dahil salamin ang Hacienda Tinang ng malubha at malalim na hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 21,139 total views

 21,139 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,795 total views

 35,795 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,910 total views

 45,910 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 55,487 total views

 55,487 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,476 total views

 75,476 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 21,141 total views

 21,141 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,337 total views

 2,337 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,797 total views

 35,797 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,912 total views

 45,912 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 55,489 total views

 55,489 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,478 total views

 75,478 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,819 total views

 47,819 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,844 total views

 42,844 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,413 total views

 46,413 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,868 total views

 58,868 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,935 total views

 69,935 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,254 total views

 76,254 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,865 total views

 80,865 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,425 total views

 82,425 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,986 total views

 47,986 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top