516 total views
Tiniyak ng NASSA/Caritas Philippines ang pagkikipagtulungan sa kay President-elect Ferdinand Marcos Jr. bilang pinuno ng Department of Agriculture.
Ito ang inihayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national director ng Caritas Philippines kaugnay sa pag-ako ni Marcos Jr. bilang pansamantalang kalihim ng tanggapan.
Bilang kalihim ayon sa obispo ay makikita ng susunod na pangulo ng Pilipinas ang mga kinakaharap na suliranin ng mga magsasaka katulad ng mataas na presyo ng binhi, gasolina at abono.
“BBM as agricultural secretary is good because that way he would have a firsthand assessment of the state of poverty of many and hopefully lessen the bureaucracy of downloading tulong para sa mga farmers,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop Bagafaro sa Radio Veritas.
Sa ulat, umaabot na sa 800 hanggang 2,300 piso ang presyo ng kada sako ng fertilizer.
Iminumungkahi rin ng Caritas Philippines sa pamahalaan ang pagpapahinto ng pag-aangkat ng mga produkto sa halip ay suportahan ang mga lokal na magsasaka.