425 total views
Maging mapagbigay anuman ang kalagayan sa buhay.
Ito ang mensahe ni Diocese of Cabanatuan Social Action Director Father Aldrin Domingo sa mga patuloy na nagbabahagi ng tulong sa mga higit na nangangailangan.
Ayon kay Fr. Domingo mahalagang gunitain ng bawat isa ang tema ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas na “Gifted to Give” dahil sumisimbolo ito sa pagiging mapagmalasakit at mapagmahal sa kapwa.
“Everybody should realize in spite of whatever situation we have or you are in right now, there is always something to give. Iyong biyaya kasi ng Diyos ay palaging sobra and because it is palaging sobra, there will always be something that we may be able to share with others,” ayon kay Fr. Domingo sa panayam ng Radio Veritas.
Programa ng diyosesis ang Alay Kapwa sa Pamayanan – Caritas Kindness Station kung saan namamahagi ito ng mga pagkain at iba pang pangangailangan upang maibsan ang alalahanin ng mga mahihirap na komunidad na apektado ng iba’t ibang krisis tulad ng pandemya.
Sinabi rin ni Fr. Domingo na magandang pagnilayan ng bawat isa ang misyon ng pagtulong sa mga lubos na nangangailangan lalo na kung labis ang mga natatanggap na biyaya.
“I know and I believe that everybody, we all have witnessed what happens especially during this pandemic times that the goodness will always be multiplied…And that is the very mission that we have, to be able to give what we have received,” ayon kay Fr. Domingo.