393 total views
Nagpahayag ng pakikibahagi ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Office on Women sa makasaysayang araw para sa Estados Unidos matapos na baliktarin ng US Supreme Court ang naunang desisyon ng Korte Suprema sa Roe v. Wade noong 1973 na nagpapahintulot ng aborsyon sa bansa.
Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez na siyang chairman ng tanggapan, isang magandang balita ang naging desisyon ng US Supreme Court na ipagbawal na ang aborsyon o ang pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan sa Amerika.
Inihayag ng Obispo na makabuluhan ang desisyon ng Korte Suprema ng Estados Unidos na naliwanagan ng Banal na Espiritu lalo’t ginugunita ng Simbahang Katolika sa Roma ang World Meeting of Families sa pangunguna ng Santo Papa Francisco.
“Good news ang nangyayari sa USA Supreme Court to ban abortion. A decision enlightened by the Holy Spirit. It was timely when Rome celebrated World Meeting of Families led by Pope Francis,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.
Umaasa naman si Bishop Varquez na matutunan ng mga kababaihang nagdusa dahil sa pagpapalaglag ng kanilang supling na patawarin ang sarili kasabay ng paghingi ng kapatawaran sa Panginoon at sa kanilang mga inosenteng sanggol.
“They need to ask forgiveness from God, from their aborted babies and learn to forgive themselves as well,” dagdag pa ni Bishop Varquez.
Unang inihayag ng U.S. Conference of Catholic Bishops (USCCB) na sa loob ng mahabang panahon ay maituturing na naabuso ng mga mamamayan ng Estados Unidos ang ipinagkaloob ng Panginoon na kalayaang makapagdesisyon.
Read: https://www.veritasph.net/pagpapawalang-bisa-ng-us-supreme-court-sa-legalidad-ng-abortion-pinuri-ng-usccb/