Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Proteksyunan ang Marikina watershed

SHARE THE TRUTH

 317 total views

Mga Kapanalig, sariwa pa sa alaala ng mga kababayan natin sa Kasiglahan Village, isang resettlement site ng gobyerno sa Rodriguez, Rizal, ang kalunus-lunos na sinapit nila noong nanalasa ang Bagyong Ulysses noong 2020. Rumaragasang bahang may kasamang makapal na putik at malalaking troso ang sumira sa kanilang mga bahay. Maraming residenteng inanod ng tubig at hindi na muling nakita. Ilang buwan ang kanilang hinintay upang makatayong muli kahit papaano mula sa trahedyang iyon.

Ito ang ayaw na muling mangyari ng mga alkaldeng sumama sa isang panawagang kanselahin na ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ang tatlong large-scale quarrying agreements sa Masungi Georeserve at iba pang bahagi ng Upper Marikina Watershed. Kabilang sa pumirma sa isang liham sa DENR ang mga mayor ng Marikina, Pasig, at Muntinlupa, gayundin ang bise-alkalde ng Angono at mga kapitan ng ilang barangay sa Marikina. Hindi kasama ang mayor ng Rodriguez.

Sa sulat, sinabi ng mga mayor na ang kanilang mga constituents ang laging nasasalanta sa baha tuwing may malakas na bagyo at ulan sa Upper Marikina Watershed. Sa kanilang mga bayan kasi bumababa ang tubig mula sa naturang watershed. Dagdag pa nila, ang pagkakalbo ng kagubatan sa watershed at pagbabaw ng mga ilog doon ang nagpapalalâ sa bahang nararanasan sa kani-kanilang bayan. Idiin nilang dapat protektahan ang Upper Marikina Watershed na bahagi ng bulubunduking Sierra Madre na nagsisilbing proteksyon natin sa malalakas na bagyo. Dapat daw isaalang-alang ang kapakanan ng mga tao ngayon at sa hinarahap.

Bagamat sinuspindi na ng DENR ang mga Mineral Production Sharing Agreements (o MPSA) na sumasakop sa mahigit 1,300 ektarya ng kagubatan, hindi ito garantiyang mapipigilan ang anumang quarrying operations sa protected watershed. Sa ngayon nga, may banta ng quarrying sa Masungi Georeserve, isang protected forest area na Rizal. Sa ngayon, pinangangasiwaan ang lugar sa tulong ng mga pribadong organisasyon at mga multi-sectoral environmental groups, ngunit ilang beses nang nagtangka ang mga may interes sa quarrying na pasukin ang lugar.

Sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, hiniram ni Pope Francis ang mga salita ni Ecumenical Patriarch Bartholomew na ang pagsira sa kalikasan—kasama na ang pagkalbo sa mga gubat—ay maituturing na kasalanan. Dagdag pa niya, “to commit a crime against the natural world is a sin against ourselves and a sin against God.” Ang pagkakasala sa kalikasan ay pagkakasala rin laban sa ating mga sarili at laban sa Panginoon. Sabi nga sa Mga Pahayag 11:18, hahatulan ng Diyos “ang mga nagwawasak sa daigdig.” Ito na ang nangyayari sa atin ngayon sa tuwing may mga kalimidad. Bumabalik na sa ating mga tao ang ating pagpapabaya sa harap ng kasakiman ng iilan.

Ang masaklap, ang mga taong wala namang kinalaman o bahagi sa mga kasalanang ito ang labis na nasasalanta sa tuwing may mga kalamidad. Laging ikinakatwiran ng gobyerno at mga may-ari ng malalaking negosyo na makatutulong sa kaunlaran ang mga proyektong katulad ng pagmimina at quarrying. Ngunit aanhin natin ang kaunlarang ito kung ang kapalit naman ay buhay at kaligtasan ng mas marami? Aanhin natin ang kaunlarang ito kung ang kapalit nito ay ang pagsira sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon? Nakalulungkot na may mga taong ang iniisip lamang ang pansamantalang ganansya sa halip na ang pangmatagalang epekto ng kanilang pagsira sa kalikasan.

Mga Kapanalig, madagdagan pa sana ang mga lider nating maglalakas-loob na manindigan para sa pangangalaga hindi lamang ng Upper Marikina Watershed kundi pati ng napakaselang kalikasan ng ating bansa. Maraming taon ang bibilangin upang maibalik sa dati ang nasira nating kalikasan, ngunit ang mahalaga ay ang magsimula ngayon na.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 32,739 total views

 32,739 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,395 total views

 47,395 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 57,510 total views

 57,510 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 67,087 total views

 67,087 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,076 total views

 87,076 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 32,740 total views

 32,740 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,143 total views

 3,143 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,396 total views

 47,396 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 57,511 total views

 57,511 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 67,088 total views

 67,088 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,077 total views

 87,077 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,867 total views

 48,867 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,892 total views

 43,892 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,461 total views

 47,461 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,916 total views

 59,916 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,983 total views

 70,983 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,302 total views

 77,302 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,913 total views

 81,913 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,473 total views

 83,473 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,034 total views

 49,034 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top