568 total views
Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagbabasbas at unveiling ng – Knights of Columbus Manila Council 1,000 (KCMC) Monument sa tanggapan ng samahan sa Intramuros Manila.
Ayon sa KCMC labis ang kagalakan at pasasalamat ng samahan matapos pangunanahan ni Cardinal Advincula ang pagbabasbas sa kakatatag lamang na bantayog ng samahan.
Pagbabahagi ni Luzindo Jose Lat – Grand Knight ng KCMC, mahalagang bahagi ng kasaysayan ng samahan at Pilipinas ang naganap na pagbabasbas at unveiling ng bagong bantayog.
“Ang kauna-unahang konseho ng Knights of Colombus dito sa Pilipinas ay itinatag noong April 23, 1905 at ito ay itinatag ni Blessed Father Michael Mcgivney noong March 29 1882 so dito po sa Pilipinas lalung pinalaganap ang Knights of Columbus ni Father George Willmaan na miyembro ng council 1000, so the Knights of Columbus Manila Council is the premiere council in the Philippines and in Asia,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Lat.
Nagsisilbing din paalala ang bantayog ayon sa samahan ng mga naunang miyembro ng konseho at kanilang pagsisilbi sa simbahang katolika ng bansa.
Natatanging karangalan din ayon pa kay Lat ang pangunguna ni Cardinal Advincula sa pagbabasbas dahil maging ang Arsobispo ng Maynila ay isang Second Degree Member ng Samahan.
“Gayundin naman ng presensya ng Rektor ng Manila Cathedral na si Father Regie Malicdem at ang kaniyang Bise-rektor na si Father Kalie Llamado at kasama rin ang mga Agustinian Friars kanina na nandito gayundin ang mga past Grand Knights Member of the Council 1,000 and their families gathered for this very historic event, ito ay very historic sa araw na ito ng June 28 2022,” pagbabahahi pa ni Lat sa Radio Veritas.
Kilala ang Knights of Columbus na samahan na mga kalalakihang katoliko na mayroong mga magkakahiwalay na konseho sa ibat-ibang bansa.