424 total views
Nanawagan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa bagong administrasyon na tutukan ang mga pangunahing usapin at suliranin na nakakaapekto sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino.
Iminungkahi ni Caritas Philippines national director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na iprayoridad ng bagong administrasyon ang pagtugon sa laganap na kahirapan na pinalala ng COVID-19 pandemic at sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagdulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na naging sanhi ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin at pamasahe.
Iginiit ng Obispo ang kahalagahan na tugunan ang patuloy na pagtaas ng poverty incidence sa bansa kung saan batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong December 2021 ay umabot na sa 23.7-percent ang poverty incidence o dagdag na 3.9-milyong Pilipino ang dumaranas ng kahirapan sa unang bahagi ng nakalipas na taon.
“After the inauguration of President-elect Ferdinand Marcos, Jr., Caritas Philippines national director Bishop Jose Colin Bagaforo calls on the government to tackle the problems head-on. Among these problems is the alleviation of poverty especially in the countryside. As reported by the Philippine Statistics Authority (PSA) last December 2021, the poverty incidence among the population increased to 23.7 percent during the first half of 2021 from 21.1 percent in the same period of 2018. This translates to 3.9 million more Filipinos living in poverty,” panawagan ni Bishop Bagaforo.
Umaasa naman si Bishop Bagaforo na sa pagsisilbing kalihim ng Department of Agriculture ay ganap na tutukan ng bagong pangulo ang sektor ng agrikultura lalu na ang suliranin sa iligal na pag-aangkat ng mga agricultural products.
“As the president-elect will also be the secretary of the Department of Agriculture, he also needs to address the plight of farmers versus imported agricultural products. This was worsened in particular by Republic Act No. 11203 (Rice Tariffication Act), a law that paved the way for more imported rice to reach the Philippines,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Muli ding nanawagan ang Obispo sa bagong administrasyon na huwag ipagpaliban ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sa ika-5 ng Disyembre 2022 na mayroong direktang epekto sa buhay ng bawat mamamayan.
Unang iginiit ni Bishop Bagaforo na mahalaga ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kung saan ang muling pagpapaliban ng halalang pambarangay sa ikatlong pagkakataon mula noong 2016 ay maituturing na pagsasawalang bahala sa kahalagahan at tungkuling ginagampanan ng mga opisyal ng barangay sa pamayanan.
“It is not right for the government to suppress electoral processes, especially that the barangay and Sangguniang Kabataan elections are seen as the most accessible and organic form of citizen’s engagement in public service and governance,” ayon pa kay Bishop Bagaforo.
Muli namang tiniyak ng Obispo ang patuloy na pakikipagtulungan ng Simbahan sa pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ng bagong administrasyong Marcos para sa kabutihan at kapakanan ng taumbayan.
Sa kabila nito binigyang-diin ni Bishop Bagaforo na itutuloy ng Simbahan ang mga programa at gawaing nagsusulong ng katarungang panlipunan at dignidad ng mamamayan at pagbabantay sa pagsasakaturapan ng mga pangakong plataporma ng mga bagong halal na opisyal ng bayan.