503 total views
Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang pagbati kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos na opisyal na manumpa bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.
Sa kanyang talumpati bilang Dean of the Diplomatic Corps sa Vin D’Honneur matapos ang inauguration, ipinaabot ni Archbishop Brown ang buong tiwala ng mga kinatawan ng international community sa bansa sa pamumuno ni Marcos Jr. sa Pilipinas.
Ibinahagi din ng nuncio ang pangako na aktibong pakikipagtulungan ng international community upang matagumpay na maisakatuparan ng administrasyong Marcos ang mandato nito para sa sambayanang Pilipino.
“I know that I speak for all the diplomats gathered here with you this afternoon when I say that we too in the international community harbor the same hopes for your presidency and for your nation, and that we pledge our cooperation and collaboration with your administration in achieving the success of your mandate.” Bahagi ng talumpati ni Archbishop Brown.
Inihayag ni Archbishop Brown na bagamat maraming pagsubok ang maaring kaharapin ng bagong administrasyon ay kaisa naman ng sambayanang Pilipino ang international community sa pagtitiwala sa kakayahan ni President Marcos Jr. na pamunuan at pamahalaan ang bansa.
Ipinaliwanag ng nuncio na buo ang pag-asa ng lahat para sa magandang kinabukasan ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni President Marcos Jr.
“There are certainly challenges as there are for every administration but Mr. President you bring to the office of the presidency an extensive experience of many years in governmental service and your call for unity has resonated deeply and widely with the Pilipino people. For these reasons you begin your term as president with a strong note of hope and confidence in the future. May God bless that future and make it fruitful for the good of the nation.” Dagdag pa ni Archbishop Brown.
Unang ibinahagi ni Archbishop Brown ang taus-pusong pagbati ng Santo Papa Francisco kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika – 17 pangulo ng Pilipinas kung saan dalangin ng Santo Papa ang katatagan nito sa pamumuno sa mahigit isandaang milyong mga Pilipino.