486 total views
Nanawagan ang Obispo ng Diyosesis ng Dumaguete ng sama-samang pananalangin para sa mapayapa at makatarungang resolusyon sa kasalukuyang alitan sa posisyon ng gobernador sa Negros Oriental.
Ayon kay Dumaguete Bishop Julito Cortes, mahalaga ang sama-samang pananalangin upang hilingin ang paggabay ng Panginoon sa mabilis na resolusyon sa hindi pagkakasundo ng bagong halal na gobernador na si Henry Pryde Teves at natalong governador na si Roel Degamo.
Panalangin ni Bishop Cortes ang pagbibigay prayoridad ng mga opisyal ng lokal pamahalaan sa kapakanan ng mamamayan sa lalawigan.
Umaasa ang Obispo na mananaig ang pagkakaunawaan at pagkakaisa sa probinsya hindi lamang sa pagitan ng mga magkakatunggali sa politika kundi maging sa kanilang mga taga-suporta.
“Lord, we humbly lift all these supplications to you as a Church community in the Diocese of Dumaguete. We beg you to cover with the Light of Your Spirit our COMELEC officials, the Hon. Roel Degamo, the Hon. Henry Pryde Teves, their lawyers, families, and supporters. Help us to journey along one path that upholds justice and peace. Help us speak a language of understanding, unity, and reconciliation that we may all serve to better the quality of the life which you generously shared with as.” panalangin ni Bishop Cortes.
Nabatid sa ulat na mayroong 100-taga-suporta ni Degamo ang humarang at nagpoprotesta sa harapan ng kapitolyo upang pigilan ang pagpasok ng bagong halal na gobernador na si Teves na opisyal na nanumpa sa katungulan noong ika-30 ng Hunyo, 2022 sa Hall of Justice ng Dumaguete.
Unang umapela sa Commission on Elections (COMELEC) si Degamo na ipawalang bisa ang pagtakbo ng ikatlong kandidato sa pagkagobernador na nagsilbing panglito sa mga botante dahil sa pagkapareho ng kanilang pangalan.
Iginiit ni Degamo na dapat ilaan sa kanya ng COMELEC ang nakuhang boto ng nasabing kandidato na mahigit sa 49,000 na kung idadagdag sa kanyang nakuhang 277,462 votes ay lamang siya botong natanggap ng nanalong si Teves na 296,897 votes.