474 total views
Ipinanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerants People (CBCP-ECMI) na maaprubahan ang pagtatatag ng Personal Prelature for Filipino Migrants.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos – Vice-chairman ng CBCP ECMI at Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines, ito ay upang higit na matulungan ang mga mananampalataya at mapaigting ang ebanghelisasyon sa ibat-ibang panig ng daigdig.
“With the creation of Prelature for Filipino Migrants Ministry would God’s grace to all, service to all, hope and help to everyone, we at the CBCP Stella Maris-Philippines, pray that this proposal of Prelature for Filipino Migrants would be accepted and then be approved,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Kaakibat nito ay ang pagkilala ng Obispo sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) bilang biyaya ng Pilipinas sa buong mundo.
Ito ay dahil sa pagsisilbi ng mga OFW sa ibat-ibang larangan na katulad ng pagkalinga ng mga domestic helpers at pagtatayo ng imprastraktura ng mga OFW na construction workers.
Kasabay ito ng pagpapalaganap ng mga OFW ng pananampalatayang katoliko sa kanilang mga tinutuluyang bansa na una naring kinilala ng Holy See.
“With dedication and devotion to works and to our religiosity, they show the true face of Filipinos as honest and hardworking: faithful and God-fearing people,” ayon pa sa pagkilala ni Bishop Santos sa mga mananampalatayang OFW.
Tatalakayin ang pagtatatag ng Prelature for Filipino Migrants sa ika-124 na CBCP plenary assembly sa Tagaytay city.
Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilipo David – CBCP President, ang prelatura ay magsisilbi bilang maliit na diyosesis na nakatuon sa pangangailangan ng mga Filipino Migrant workers sa ibat-ibang bahagi ng mundo.