379 total views
Tiniyak ng Arsobispo ng Maynila ang patuloy na pagkilos ng Simbahan tungo sa pagbubuklod ng nasasakupang kawan.
Ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, nagsusumikap ang Simbahan na pagbutihin ang paglilingkod sa pamayanan.
Batid ng Arsobispo ang mga suliraning kinakaharap ng simbahan tulad ng iba’t ibang krisis na kinasasangkutan ng ilang lingkod.
“Our people have narrated their experiences, and they have voiced their hurts and frustrations about sins, abuses, and failures in the Church, especially among us her ministers and leaders. It is indeed difficult and disturbing to come face-to-face with the reality of a wounded and imperfect Church. In the midst of these, it is sometimes very tempting to think that the Church is dying, if not dead,” ayon kay Cardinal Advincula.
Ito ang pagninilay ng Kardinal sa unang araw ng National Synodal Consultations na ginaganap sa Carmelite Missionaries Center of Spirituality sa Tagaytay City na nilahukan ng 200 inidbidwal na kinabibilangan ng mga obispo, pari, relihiyoso at mga layko.
Ipinaliwanag ni Cardinal Advincula na nanatiling buhay ang simbahang katolika sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu na kasama sa paglalakbay kasabay ng pagsusumikap ng mga lider na isabuhay ang misyon ni Hesus.
“We did not fall into such temptation, because the Holy Spirit has also opened our eyes to see that the Church is alive! She may appear to be sleeping or having some difficulty waking up, but definitely, she is not dead. The Church is very much alive,” ani ng Cardinal.
Tinuran ni Cardinal Advincula ang buhay na pakikibahagi ng mga layko na naglingkod sa simbahan, nagbibigay suporta sa mga programa at higit sa lahat ang pakikilakbay ng mga kabataan, pamilya at mga dukha sa lipunan.
Hamon ni Cardinal Advincula sa mamamayan na manatiling manalig sa habag at awa ng Panginoon na mapagtagumpayan ang anumang uri ng karanasan sa lipunan at sama-samang maglakbay tungo sa kabutihan.
Layunin ng National Synodal Consultations ang paglalagom sa synthesis ng isinagawang konsultasyon sa mahigit tatlong libong parokya sa buong bansa para sa gagawing preparatory document na isusumite sa Vatican.