787 total views
Ito ang mensahe ni Florinda Lacanlalay, Hapag-Asa Integrated Nutrition Program consultant, kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).
“The fact na pinili niya yung Department of Agriculture na maging head siya ng departamento thats the kind of importance na ibinibigay niya doon sa food security kasi nga alam niya na importanteng-importante yan sa mga Pilipino,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Lacanlalay.
Ayon kay Lacanlalay, matitiyak ang food security ng bansa kung paiigtingin ng punong ehekutibo ang lokal na produksyon ng pagkain na pipigil sa mabilis na pag-taas ng inflation rate.
Iminungkhi ni Lacanlalay sa administrasyong Marcos ang pagpapababa sa mataas na presyo ng fertilizer, irigasyon at farm to market roads.
Umaasa ang opisyal ng Hapag-asa na matugunan ni Pangulong Marcos sa unang 100-araw ng kaniyang pamumuno ang mga suliranin ng kagutuman at malnutrisyon sa Pilipinas.
“Ang panalangin natin talaga bilang isang Pilipino, ang nais natin na magkaroon ng magandang buhay ang bawat Pilipino at yan ay para sa buong bansa at regardless political navigation, we call the other behind the new administration so that we can work together in helping the problems of the country,” pahayag ni Lacanlalay.
Ibinabala ni Peter Sands – executive director ng ‘Global Fund to Fight Aids, Tuberculosis and Malaria’ ang kakulangan sa suplay ng pagkain dahil sa digmaan ng Russia at Ukraine na balakid sa malayang kalakalan sa buong mundo.
Bilang kalihim ng DA, prayoridad ng Pangulong Marcos ang pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng mga magsasaka kasabay ng pagpapalakas ng lokal na produksyon ng pagkain partikular ang bigas, mais at karne.
Batay naman sa pinakahuling datos ng DA, umaabot naman sa mahigit 800 hanggang 2,300-piso ang presyo kada 50-kilo ng ibat-ibang uri ng fertilizers sa merkado.