293 total views
Ugaliing manalangin sa Diyos at hilingin ang paggabay ng Espiritu Santo tuwing nahaharap sa pagsubok sa pag-aaral na dulot ng pandemya.
Ito ang mensahe at paalala ni Madeleine Rowe Zapanta – Pangulo ng Catholic Youth Organization (CYO) sa mga kabataang mag-aaral kaugnay ng nalalapit na pagsisimula ng School Year 2022-2023 sa Agosto.
“As we return to the normal business of our lives, I hope we never forget to be still and be grateful to God. Despite our many activities or socializations, stop, be quiet, and pray first. A small 5 minute prayer can be your guiding light for the entire day,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Zapanta sa Radio Veritas.
Ayon kay Zapanta, ang pagdaraos ng face-to-face classes ay mahalagang karanasan na maglilinang sa kakayahan ng mga estudyante na makipag-kapwa.
Inaasahan din ng CYO na matutulungan ng panunumbalik ng mga pisikal na klase ang mga mag-aaral na nakaranas ng depresyon at pakabalisa na makabangon at tuluyan ng maibsan ang mga nararamdaman.
“What does it mean to be a good student? Is it the grades? The extra curriculars? Being a good student is different for everyone. But if allow yourself to be guided by the Holy Spirit in your thoughts and actions, you can become the best student that you can be,” ayon pa sa mensahe ni Zapanta sa mga Kabataan.
Taong 1938 ng itatag sa bansa ang Catholic Youth Organization bilang Sangay ng Sangguniang Laiko sa Pilipinas upang matiyak ang paggabay ng Simbahang Katolika sa mga kabataang katoliko
Ayon sa Department of Education (DepEd) School Calendar, magsisimula sa August 22 2022 ang susunod na taon ng pag-aaral na magwawakas sa July 07, 2023 kung saan una ng hinimok ng kagawaran ang lahat ng paaralan na makiisa sa pagdaraos ng face-to-face classes.
Una naring ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang layunin ni Vice-president at Education Secretary Sara Duterte na ipatupad ang 100% face to face ng mga mag-aaral sa lahat ng paaralan sa Nobyembre 2022.