577 total views
Nagluluksa ang Simbahang Katolika sa pagpanaw ni Jaro Archbishop-Emeritus Angel Lagdameo sa edad na 81.
Ayon sa Archdiocese of Jaro, ganap na 8:30 ng umaga nang pumanaw ang Arsobispo na dati ring nagsilbi bilang Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines noong 2005-2009.
Ang Arsobispo ay isinilang sa Lucban Quezon noong August 1940 at nagtapos sa San Carlos Seminary, Ateneo De Manila University, at inordinahang pari noong 1964.
Itinalaga bilang Auxiliary Bishop ng Cebu noong 1980 at ang itinalaga bilang ika-limang Arsobispo ng Archdiocese ng Jaro taong 2000 ng noo’y si Pope John Paul II.
Hiling ng pamunuan ng simbahan ng Jaro, Iloilo ang panalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ng yumaong lingkod ng simbahan na inilaan ang kanyang buhay sa paglilingkod sa kawan.