589 total views
Inilahad ng Radio Veritas 846 News and advocacy group ang paninindigan ng himpilan sa pagsusulong ng katotohanan at magsilbing tinig ng simbahan.
Ayon kay Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng DZRV 846, ang hakbang ay pakikiisa sa programa at proyekto ng mga obispo sa kanilang nasasakupan.
Sa unang araw ng plenary assembly, kabilang sa humarap sa kalipunan ng mga obispo ang bumubuo sa news and advocacy team ng himpilan kabilang na sina Arnel Pelaco-newsroom head at radio manager Riza Mendoza, Political advocate Reynalynn Letran Ibañez, Cultural advocate Norman Dequia, Environmental advocate John Michael Añonuevo, Economic advocate Jerry Maya Figarola, Social Media head Cindy Gorospe, at Social Services head Rowel Garcia.
Naniniwala si Fr. Bellen na bilang media arm ng simbahan ay makakatulong ang himpilan sa paghuhubog, pagsisiwalat ng katotohanan at pagwawaksi ng fake news na laganap ngayon sa social media.
Umaasa rin ang opisyal ng DZRV 846 na ang pagpapalawak at pagtutulungan sa mga programa ng simbahan hindi lamang para sa mananampalataya kundi pagsisilbi rin sa mga Filipino sa kabuuan.