490 total views
Palalawakin ng simbahan sa Pilipinas ang misyong paglingkuran ang nasasakupang kawan.
Ito ang pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa katatapos na 124th CBCP plenary assembly kung saan tampok ang talakayan sa Synod on Synodality ng simbahang katolika.
Sa ginanap na National Synodal Consultations ay nakita ng mga pastol ng simbahan ang mga suliraning dapat tugunan upang mapakinggan lalo na ang mga naisasantabing sektor ng lipunan.
“It brought us joy to see the persevering faith of our people; the dedication of our ministers, the increasing dialogue of action within and with others. We saw lights. Yet it caused us sadness seeing we are yet far from our dream of a Church of the poor, and hearing the yearnings and groans of those distant from the Church. We saw gaps and closed doors in our work of evangelization. We saw shadows,” bahagi ng pahayag ng CBCP.
Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, nakalulungkot na malaman ang tunay na kalagayan ng ibang mananampalataya lalo na ang mga dukha na kadalasang naisasantabi.
Apela ng opisyal sa mga kapwa lingkod ng simbahan na dinggin ang panawagan ni Pope Francis na palaguin ang pagmimisyon sa pamayanan.
“We heard strong voices calling us, our clergy, consecrated persons and lay collaborators to heed the call to conversion, to go out of our comfort zones, to be welcoming, to be transparent and accountable, to be more compassionate,” ani Bishop David.
Sinabi ng obispo na ipagpatuloy ng simbahan ang nasimulang synodal journey sa bawat parokya na makikilakbay sa bawat isa kabilang na ang hindi kasapi sa kristiyanong pamayanan.
Inihayag ni Bishop David na isasabuhay ang diwa ng ‘communion, participation, and mission’ na magbubukas ng oportunidad na isulong ng kababaang loob ang paglilingkod, pagpapanibago, pangangalaga sa kalikasan at mapagtibay ang pundasyon ng pananampalataya.
“The door of renewing our structures and ministries, – leaving behind those that do not help and embracing those that make us a community; doors that lead to building bridges, closing the gaps and promoting equality,” saad ng opisyal.
Ikinagalak ni Bishop David ang pagkakataong napakinggan at nasuri ang buong komunidad na magiging daan upang mas matutukan ng simbahan ang pagsasaayos ng misyon ng paglilingkod.
Ito rin ang paraan na maging mulat ang simbahan sa pangangailangan ng mamamayan at higit na lumago sa kabanalan.
“With hope and faith in the mercy of the Lord, we commit ourselves to Synodality – looking, listening and loving as our way of proceeding, that we may grow into a humble, welcoming and inclusive Church in the Philippines,” giit ni Bishop David.
Ginanap ang National Synodal Consultations at CBCP Plenary Assembly sa Carmelite Missionaries Center of Spirituality sa Tagaytay City noong July 4 hanggang 11 na dinaluhan ng mahigit 100 obispo mula sa 86 na mga diyosesis, arkidiyosesis, prelatura at apostolic vicariate sa bansa.