207 total views
Nasa full alert status na ang Philippine National Police sa buong bansa kaugnay ng nalalapit na Undas.
Ayon kay PNP spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, sa status, hindi pinapayagan ang mga pulis na magbakasyon sa halip ipapakalat sila para matiyak ang seguridad ng publiko habang inaalala ang mga namayapang mahal sa buhay.
Sinabi ni Carlos, kabilang sa ide-deploy ang kanilang mga road safety Marshalls, beat patrollers at ang Explosive Ordnance Disposal team sa mga pampublikong lugar katuwang ang iba pang ahensiya ng gobyerno at volunteer groups.
“Naka full alert po tayo, walang nakabakasyon para mayroong enough personnel for deployment before, during and after Undas, naka-focus ang ating security patrol sa mga convergence areas, public areas such as terminals, airports, seaports, maglalagay din ng road safety mashalls para ang iba nga ahensiya ng gobyerno at volunteer groups at maglalagay din ng assistance hub sa matataong lugar,“ pahayag ni Sr. Supt. Carlos sa Radyo Veritas.
Sa Metro Manila lamang, nasa 10,000 pulis ang ipapakalat ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa All Souls’ at All Saints’ day para matiyak na ligtas ang mga magtutungo sa iba’t ibang sementeryo sa kalakhang Maynila at maging sa matataong lugar.
Sa Simbahan Katolika, ang Undas ay pag-alaala sa mga yumaong mahal sa buhay at mga santo na All Saints’ at All Souls’ Day, kaya hindi ito dapat sumentro sa katatakutan na siyang ginagawa ngayon.