Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi ramdam ang hirap kapag nasa tuktok

SHARE THE TRUTH

 237 total views

Mga Kapanalig, isang hindi matapus-tapos na hamon sa ating bansa ay ang patuloy na kahirapan. Maaaring sumasapat noon ang kinikita sa araw-araw ng maraming manggagawa, ngunit paglipas ng mga buwan ay hindi na. Isa itong indikasyon ng tinatawag na inflation—ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa paglipas ng panahon.

Kamakailan ay inilabas ng Philippine Statistics Authority (o PSA)  ang ulat nitong nagsasabing pumalo na sa 6.1 percent ang inflation rate noong Hunyo mula sa 5.4 percent noong Mayo. Ngunit hindi sang-ayon sa estadistikang ito ang bagong upong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Aniya “…I will have to disagree with that number. We are not that high”.

Tuwing unang linggo ng buwan ay naglalabas ng ulat ang PSA tungkol sa inflation rate sa ating bansa batay sa consumer price index (o CPI). Ang CPI ang nagpapakita ng average o karaniwang presyo ng mga bilihing kinokonsumo ng mga pamilya. Tugon ng PSA sa naging reaksyon ng bagong pangulo, paninindigan daw nila ang nilalaman ng kanilang ulat. Paliwanag naman ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, na-misunderstood lamang raw ang reaksyon ng pangulo. Ang tinutukoy daw nitong “not that high” ay ang full-year figure o inflation rate para sa buong taon mula Enero hanggang Hunyo na nasa 4.4%, at hindi ang inflation rate para lamang sa buwan ng Hunyo. Dagdag pa ni Secretary Diokno, hindi lang naman daw Pilipinas ang nakararanas ng mataas na inflation sa buong mundo. Sa Indonesia, nasa 4.4% ang inflation rate habang 7.7% sa Thailand.

Maaaring para sa mga nasa tuktok at maginhawa ang pamumuhay, ang mga pigurang ito ay manageable pa o mapagtitiisan pa. Ngunit para sa mga nasa ibaba at laylayan, ibang kuwento ang ibig sabihin ng mataas na inflation rate. Kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay ang paghina naman ng purchasing power ng piso. Ayon nga kay National Statistician Dennis Mapa, ang halaga ng isang piso ngayon ay nasa 87 sentimos na lamang. Sa madaling salita, ang dating 800-pisong pamalengke na nakakabili ng mga bigas at ulam ay magkukulang na dahil isang libong piso na ang kakailanganin ngayon upang mabili ang parehas na mga bilihin at pagkain. Maaaring kung dati ay tatlong kilong bigas kasama ang mga ulam ang magkakasya dito, maaaring mabawasan ito at maging dalawang kilo na lamang ang mabili nito. Ganito ang epekto ng mataas na inflation rate sa mga karaniwang Pilipino.

Sabi nga ni Pope Francis sa Laudato Si’, malaki ang pagkakautang o social debt natin sa  mahihirap at walang access sa mga batayang serbisyo dahil sila ang pinagkakaitan natin ng karapatang mabuhay nang may dignidad. “They are denied the right to a life consistent with their inalienable dignity,” sabi ng Santo Papa. Ngunit siguro nga’y hindi madali maramdaman ang hirap kung ikaw ay nasa tuktok, kung hindi mo ramdam ang pagtaas ng bilihin at mga serbisyo. Higit sa reaksyon ng pangulong hindi pinaniwalaan ang estadistika, mas kailangan ng pagkilala sa paghihirap na nararanasan ng mga pamilya at paghanap ng solusyon sa problemang kinakaharap nila.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Hagai 1:6, “Marami na kayong naihasik ngunit kaunti lamang ang inyong ani.” Kahit gaano katindi magbanat ng buto sa araw-araw sina Juan at Juana para sa kanilang pamilya, hindi pa rin ito sasapat kung hindi naman sasabay ang sahod sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Maaaring hindi maiwasan ang mabilis na inflation, ngunit maaari itong panatilihin sa antas na kakayanin at hindi magdurusa ang mga Pilipinong hindi tumataas ang sahod. Nawa’y madama ng mga nasa itaas ang hirap ng mga nasa ibaba.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,071 total views

 29,071 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,727 total views

 43,727 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,842 total views

 53,842 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 63,419 total views

 63,419 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,408 total views

 83,408 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 29,072 total views

 29,072 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,900 total views

 2,900 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,728 total views

 43,728 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,843 total views

 53,843 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 63,420 total views

 63,420 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,409 total views

 83,409 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,534 total views

 48,534 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,559 total views

 43,559 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,128 total views

 47,128 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,583 total views

 59,583 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,650 total views

 70,650 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,969 total views

 76,969 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,580 total views

 81,580 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,140 total views

 83,140 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,701 total views

 48,701 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top