189 total views
Pinakikilos muli ng Prelatura ng Isabela de Basilan ang pamahalaan sa mga biktima ng “Cocolisap” sa kanilang lugar at hiniling na agarang tugunan ang pangangailangan ng mga magniniyog roon at ipinasasantabi muna ang pamumulitika.
Ayon kay outgoing Basilan Bishop at incoming Ozamiz Archbishop Martin Jumoad, kailangan ituon ng pansin ng kalihim ng agrikultura na si Manny Pinol kasama ang Philippine Coconut Authority (PCA) sa pagbibigay ng pondo upang mapunan ang pangangailangan ng mga apektadong magsasaka sa Basilan.
“I want that the government will focus their attention especially Sec. Pinol that he will really be honest, sincere and turthful in his pronouncement to give attention to Basilan. Yun lang ang gusto namin dito sa Basilan na magsasabi ng katotohanan and we really acquire a budget. Huwag mag – pulitika, bigyan ng pansin talaga ang mga magsasaka yung mga mahihirap na mga farmers,”pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.
Hiniling rin ni Bishop Jumoad sa Department of Agriculture at sa PCA na bigyan ang mga magniniyog ng “rubber seedlings” o “goma” na hindi nasisira ng mga kulisap at maari nilang pagkakitaan pansamatala.
“Hindi maganda na sila ay bigyan ng seedling ng coconut hindi yun maganda. If I were the government I think mga alternative na lang. They better give seedling yung rubber seedling, yung mga nasisirang mga niyog they will plant another source of income itong mga goma or rubber. Kasi ang mga rubber hindi makakain at masisira ng mga kulisap, because if you will plant coconut at this time they will just eaten by the kulisap,” giit pa ni Bishop Jumoad sa Radyo Veritas.
Paliwanag pa ng incoming Archbishop of Ozamiz na mainam na maging ganap ang programa ng pamahalaan sa mga magsasaka na hindi lamang panandaliang solusyon kundi maitaguyod na makabangon ang mga ito sa pang – araw – araw nilang pangangailangan.
“Then talagang pansin hindi lang seedling kundi pati fertilizer. Within two years they need to assist the farmers, hindi lang fertilizer at seedlings, hindi man nila yun makain. When you help it must be total. They should help them how to alleviate their pains and sufferings,” hiling ng Obispo sa pamahalaan.
Nakatakda namang putulin ang nasa tatlong libong puno ng niyog na pinamugaran ng mga insekto o mas kilala bilang “cocolisap” batay na rin utos ng lokal na pamahalaan lalo’t tatlong lugar roon ang malalang naapektuhan kabilang na ang Isabela City, Lamitan at Lantawan.
Nauna na ring nag – alay ng monthly prayer intention nitong Abril ang kanyang Kabanalan Francisco para mga mahihirap na magsasaka na isinasantabi ng lipunan.