657 total views
Kinilala ni Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ang kahalagahan ng ginagampanang tungkulin ng mga social communications ministries at church media.
Ayon kay Bishop Maralit – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communication, ito ay ang pagpapalaganap ng katotohanan at mabuting balita ng Diyos higit ngayong panahon ng modernisasyon kasabay ng pagharap ng buong mundo sa COVID 19 pandemic .
“So ang malinaw na agad is how critical the role of those in media in social communications yung ang role ninyo is very critical, yun yung naging malinaw during this plenary and off course with that the challenge, ano yung challenge natin?, una is to work hand in hand together to fight for the truth yun naman ang dapat panghawakan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Maralit.
Binigyang diin din ng Obispo ang pagkakaroon ng katangian katulad ng pagtutulungan, pagkakaisa, pakikinig sa mamamayan at mga social communication ministries ng bawat simbahan tungo sa nagkaiisang layunin.
Upang maitaguyod at mapagtibay ang katangian ay nakatakdang idaos ngayong taon ang National Catholic Media Convention (NCMC) na taunang pagtitipon ng mga social communications ministry at church media na natigil ang pisikal na pagdaraos sa loob ng dalawang taon bunsod ng pandemya.
“We’ll strategize on how we can all work together and hopefully all help each other so again malayo pa, matagal pa, mahaba pa at marami pa ang dapat nating gawin but is really part of our ministry so hopefully also find ways to really serve God through our ministry through the modern means od communication,” ayon pa sa panayam ng Obispo.
Bagamat wala pang petsa ay tiniyak ni Bishop Maralit ang pagsasagawa ng pagpupulong na tatalakay sa pagdaraos ng NCMC ngayong taon kung saan itatakda ang tampok na diyosesis na mangangasiwa sa pagtitipon.
Una ng nanawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa bawat isa na gamitin ang social media sa makabuluhang mga pamamaraan upang mapalaganapa ang ebanghelyo gamit ang modernong teknolohiya.