497 total views
Pinapaalala ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kahalagahan ng ‘transparency’ ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga proyektong kanilang inilulunsad.
Ayon kay Father Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP Committee on Public Affairs, ang katangian ay binibigyan ng katiyakan ang bawat mamamayan na hindi napupunta sa katiwalian ang kaban ng bayan.
“Transparency is one of the pillars of good governance. It promotes accountability, efficiency and effectiveness among government officials,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Father Secillano sa Radio Veritas.
Higit din nitong binibigyan ng maayos na pananagutan ang mga opisyal upang ipakita sa mamamayan na nagbubunga ang kanilang pagbabayad ng buwis.
Ito ang hamon ng Pari matapos punahin ng Commission on Audit (COA) ang pagkaantala simula pa noong 2021 ng 14-proyekto ng Department of Transportation na nagkakahalaga ng higit sa 1-trilyong piso.
“It assures the public that funds are used for their intended purposes and not pocketed by unscrupulous leaders, with transparency, both the government and it officials are deemed above suspicion because of their openness for scrutiny and willingness to assume accountability,” ayon pa sa mensahe ng Pari.
Bagamat nagpaliwanag na ang DOTr ay binigyang-diin parin ng COA ang kahalagahan ng muling pagpapatuloy ng mga proyekto.
Ito ay upang hindi na magkaroon ng mga karagdagang suliranin at agad na magamit ng mga mamamayan ang mga proyektong tutulong na mapabuti ang sektor ng transportasyon.