1,901 total views
Ipinag-utos ng Archdiocese of Nueva Segovia ang pagsasagawa ng assessment sa lawak ng pinsala ng malakas na lindol sa Ilocos region.
Ayon kay Archbishop Marlo Peralta, naramdaman ang malakas na pagyanig sa Ilocos region nitong July 27 ng umaga.
Ayon sa Philvocs 8:43 ng umaga ang naitalang lindol na may lakas na 7.3 magnitude sa lokasyon ng Lagangilang Abra ang sentro.
Ibinahagi ni Archbishop Peralta na may ilang simbahan ang nasira sa arkidiyosesis dulot ng pagyanig.
“Aalamin pa namin kung may mga nasugatan pero yung Vigan Cathedral nasira ang facade,” pahayag ni Archbishop Peralta sa Radio Veritas.
Kumilos na rin ang social action arm ng mga diyosesis na apektado ng lindol lalo sa Northern Luzon upang alamin kalagayan ng mga nasasakupang mamamayan.
Apela ni Archbishop Peralta sa mamamayan na magbuklod sa pananalangin para sa kaligtasan ng bawat isa mula sa panganib bunsod ng lindol.