808 total views
Pinangunahan ni Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona ang ground breaking para sa itatayong kapilya sa Sitio Anilawan, Bgy. Babuyan, Puerto Princesa.
Kabilang ang dating kapilya sa lugar sa mga nawasak ng pananalasa ng bagyong Odette noong Disyembre ng nakalipas na taong 2021.
Ang muling pagtatayo ng kapilya ay magkatuwang na proyekto ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa at ng Caritas Manila na naglalayong muling mabigyan ng bahay dalanginan ang mga mananampalataya sa Sitio Anilawan, Bgy. Babuyan.
Lubos ang pasasalamat ni Rev. Fr. Christian Sabili, kura paroko ng San Isidro Labrador Parish na nakakasakop sa lugar na pagtatayuan ng kapilya ng Simbahan.
Una ng ibinahagi ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa (AVPP) ang on-going construction sa proyektong pabahay ng bikaryato para sa mga biktima ng bagyong Odette partikular na sa Langogan, Puerto Princesa.
Disyembre ng nakalipas na taong 2021 ng manalasa ang bagyong Odette kung saan lubos na nasalanta ang mga probinsya ng Palawan, Surigao del Norte, Dinagat Islands at ilan pang probinsya sa Visayas region.