407 total views
Narinig niyo na ba ang Ambisyon 2040, kapanalig?
Ang Ambisyon 2040, ayon sa National Economic Development Authority (NEDA) ay ang sama-sama nating aspirasyon at mithiin bilang mga Pilipino. Nilalarawan nito ang uri ng buhay na nais ng mga mamamayaan, at ang kalagayan ng bansa pagdating ng taon 2040. Ito ay mag-a-ankla ng mga planong pangkaunlaran ng bayan, na sakop ang apat na administrasyon.
Nagsimula ang proseso ng Ambisyon 2040 sa termino ng nakaraang administrasyon. At nitong Oktubre 2014, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 5 na nag-aapruba at magpapatuloy ng “Ambisyon Natin 2040.” Base sa Executive Order na ito, ang apat na Philippine Development Plans (PDPs) na ilalatag at isasakatuparan mula ngayon hanggang sa hinaharap ay base sa Ambisyon Natin 2040 na nagsasaad na “pagdating ng 2040, ang Pilipinas ay isa ng maunlad na bansa kung saan halos lahat sa mga mamamayan nito ay middle-class at wala ng mahirap. Lahat tayo ay makakaranas na ng mahaba at malusog na bahay. Ang ating mamamayan ay smarte at malikhain, at namumuhay sa lipunan na lubos ang pagtitiwala.”
Ang mithiin na ito ay nakalap mula sa mga nationwide consultations na ginawa ng NEDA noong termino ni Pangulong Aquino. Kung naalala niyo kapanalig, nilabas ng NEDA ang kanilang nationwide survey nitong June 21, 2016 kung saan 79% ng mga respondents ang nagsabi na nais nila ng simple at komportableng buhay. Para sa kanila, ang simple at komportableng buhay ay ang pagkakaroon ng medium-sized na tahanan, may sapat na kita, may isang sasakyan, may kakayahang mag-paaral ng kanilang anak sa kolehiyo, at makapag-bakasyon.
Ang mithiin na ito kapanalig, ay mithiin nating lahat. Ang “vision” na ito ay dapat maging realidad para sa bayan. Ito dapat, ang aspirasyon na ito, ang pag-ubusan natin ng ibayong lakas at panahon. Ang mithiin na ito ay higit pa sa kahit sinoman ang maging Pangulo ng bansa. Ito ay atin. Ito ang dapat isulong ng bawat mamamayan.
Kapanalig, ang panlipunang turo ng Simbahan ay tuwinang nagsusulong ng kapakanan ng bawat mamamayan. Nais nito na maisulong ang kalidad ng buhay ng sangkatauhan. Nais nito na palakasin ang boses nito, lalo ng maralita sa lipunan. Ayon nga sa Gaudium et Spes: Economic development must … not be left to the sole judgment of a few individuals or groups, possessing excessive economic power, or of the political community alone, or of certain powerful nations. It is proper, on the contrary, that at every level the largest number of people have an active share in directing that development.
Ang Ambisyon 2040, kapanalig, ay isang ehemplo ng pakikilahok ng marami sa paghulma ng kanilang kaunlaran. Sa gitna ng gulo at ingay sa bayan ngayon, ang mithiin ng mamamayan ay isang maliwanag na panawagan na pagsulong at buhay ang dapat nating unahin bilang bayan.