511 total views
Magsasagawa ng dalawang araw na conference ang mga lingkod ng simbahan na layong palakasin ang parokya sa bansa.
Ito ay sa pangunguna ng Philippine Conference of New Evangelization (PCNE) ng Archdiocese of Manila sa pakikipagtulungan sa Alpha Asia Pacific – Catholic Context, CBCP Episcopal Commission on Mission at Clergy.
Gaganapin ang dalawang araw na pagtitipon sa San Carlos Seminary Auditorium sa Makati City sa ikatlo at ikaapat ng Agosto.
Ito ang tugon ng simbahan sa Pilipinas sa panawagan ni Pope Francis na palakasin ang pastoral conversion ng mga parokya sa pamamagitan ng ebanghelisasyon.
“This conference is in response to the call of Pope Francis to intensify ‘the pastoral conversion of the Parish community in the service of the evangelizing mission of teh Church’ (Vatican, July 20, 2020) and a folow through to the celebration of the 500 Years of Christianity in the Philippines,” bahagi ng pahayag ni Father Jason Laguerta, Director ng PCNE.
Tema ng pagtitipon ang Transforming Parishes 2022 for Bishops, Priests and Religious kung saan nakatakdang magbahagi ng kaalaman ang Team ng Divine Renovation mula sa Halifax Canada na nagbalangkas sa Divine Renovation; Bringing Your Parishes from Maintenance to Mission.
Pangungunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng Catholic Bishops’ COnference of the Philippines ang Banal na Misa sa unang araw ng pagtitipon bilang pagbukas sa 2-day conference.
Ilan sa mga tatalakaying paksa ang ‘The Heart of the Father: Primacy of Evangelization; Alpha and Evangelization; The Best Leadership; Reliance on the Holy Spirit; Prayer Ministry; and Walking through 3 keys of Evangelization.