Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HOMILY HIS EMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE MARIAN JUBILEE ON THE YEAR OF MERCY AT MANILA CATHEDRAL OCTOBER 07, 2016

SHARE THE TRUTH

 162 total views

My dear brothers and sisters in Christ, we gave thanks to God for this evening’s gathering. We believe that it is the spirit of the Lord Jesus who brought us together so that we could continue celebrating this great jubilee of mercy and this evening we recognized how God’s mercy comes to us thru the blessed Mother. We call her lovingly the mother of mercy, hail holy queen, mother of mercy and this morning in the same church, the same cathedral we also celebrated the thanksgiving mass for the cannonization of Mother Teresa of Calcutta. So this morning one woman who known for her mercy and compassion for the poor and this evening the woman who gave us Jesus her son the face of God’s mercy. The gospel for today gives us the grim picture of people’s reaction to Jesus Christ. Not all of them but some of the crowd. There saw how Jesus was driving out demons how Jesus was performing miraculous acts of healing, sigurado pati sila ay nagulat. They are all amazed but after amazement comes the question, how is he able to do this? Ganun naman tayo pagkatapos mamangha ang susunod na tanong, papano niya nagawa yan? Panano kaya? Unfortunately some of them said if he is able to cast out evil spirit, demons, if demons obey him then probably he is using the power of the prince of demons. Who will obey demons? Whom will demons obey? Eh di yung kanilang prinsipe, so they don’t attribute Jesus as miraculous actions specially their exposure of demons to God, to the Holy Spirit. And that change radically their view of the miracles of Jesus . Sa halip na magpasalamat sa Diyos, na ang mga may sakit, ang mga inaalila ng masasamang esperitu, ang mga nagkaroon ng kapansanan, ng karamdaman dahil sa kasalanan sa halip na matuwa sila at sabihing kumikilos ang Diyos, mahabagin ang Diyos, ang sabi nila kaya lumalayas ang masasamang esperitu dahil sa panggamit ni Hesus ay ang kapangayrihan ng prinsipe ng mga demonyo. It was not mercy, God’s mercy that they saw, in the acts of Jesus. They did not see the dawning of the kingdom of God but probably they are genuinely concerned that in Jesus the kingdom of beelzebul, the kingdom of the prince of demons were spread. We do not want to judge the scribes, the pharisees and their whom they influenced in a way we undrstand that, why? because Jesus came across as someone who violated their norm, their religious practices, their norm, customs and laws. Kasi parang si Hesus subersibo parang hindi sumusunod dun sa alam nilang batas. Kaya nasa isip nila ito ba’y talagang sugo ng Diyos o baka iba ang nagsugo rito. We know how Jesus apparently violated the law of the sabbath, we know how Jesus violated the means of purity, he allowed people with leprosy to come closer and touch some of them, we know how he violated some of the standards of decency allowing a woman of ill repute, a public sinner to eat with him, to bare his foot with her tears. Siguro kayo rin ei kapag nabalitaan n’yo naku si Cardinal kasama sa hapunan isang babaeng mababa ang lipad, pinayagan pa na ang kanyang paa ay halikan naku.. nasa front page na yan, sasabihin anong klaseng tao yang si kardinal. At malapit lapit na hindi ata holy spirit yan baka beelzebul. That’s why we understand why some people were confused, ano nga ba itong si Hesus? Now my brothers and sisters we can face the crowds because we know were did Jesus came from. We can face the crowds without Jesus and we can say we know he is the son of God, we know he is the son of that woman Mary filled with the Holy spirit, we know the word became human in Jesus not by the power of the prince of demons but by the power of the holy spirit. We know and we know by faith, the faith that St. Paul in the first reading talks about the faith that makes us see the true face of Jesus, but it is not just the presence of the Holy spirit in Mary and in the whole life of Jesus that we believe in, by our faith the holy Spirit and we profess that, he was born of the Virgin Mary and was incarnate by the holy spirit. We know that, but part of the incarnation by the holy spirit is this. According to St. Paul in the first reading, he became man, he became flesh. Pero yung pagiging tao ng anak ng Diyos kay Hesus ay hindi laro laro, naging tunay siyang tao at naranasan niya ang mga tukso, problema hila-hila ng kanyang kapwa tao. Imagined the word of God, the son of God becoming human by the power of the Holy spirit according to St. Paul he risen us from the cursed of the law by becoming a cursed for us. Para tayo mahango sa kasalanan, para ipakita ang habag, the mercy of God he as a human being was subjected to the most merciless judgement. To die on the cross was cursed and experiencing suffering, trials as a human being and by the power of the holy Spirit and by the power of his faith he became the face of Gods mercy to all of us. Papanong naging mukha ng habag si Hesus sa atin dahil sa kilos ng esperitu santo sa kanya, at dahil naging tunay siyang tao naunawan niya ang karanasan ng tao, naunawaan niya ang ating mga pighati, naranasan niya ang ating pinagdaraanan. Napakagandang pagsasama and that’s how mercy emerges the work of the Holy spirit and living with human beings, uulitin ko yan pati sa ating panahon hindi magiging ganap ang ating habag kung walang kilos ng esperitu santo, our openess to good spirit and pakikiisa sa mga hirap, dusa at mga pinagdaraanan ng kapwa tao. Yang dalawang yan, sayang ang kilos ng esperitu Santo kung hindi tayo makikipagkapwa tao. Nasa pakikipagkapwa tao doon natin napapalakas ang kilos ng esperitu santo na ang ibig ay lumaganap ang habag ,lumaganap ang pagliligtas ng Diyos. My dear brothers and sisters when the Holy Spirit acts the holy spirit pushes us towards neighbors to sufffer with them to owe with them. The holy spirit does not as much awake from the human condition no. in Jesus we know that the holy spirit makes the word of God human and the holy spirit annoints Jesus and sends him to the poor to the blind to the lame to the prisoners, to be a human person with them nandiyan ang kilos ng esperitu santo . Hindi papalayo sa tao, kung tunay na kumikilos ang esperitu santo itutulak ka , alam ng esperitu santo malakas na hangin parang bagyo kapag umihip ang esperitu santo dadalhin ka? Sa kapwa tao para doon maunawaan natin lalu ang pinagdaraanan ng kapwa at sa bisa ng esperitu santo ipakita ang habag at ang awa ng Diyos. Kaya yung may mga devotion to the Holy Spirit, nakita ko may mga bata dito kapag mag- e-exam naku lahat nagdarasal sa holy spiri . May mga nagpapa-bless pa nga ng ballpen, lapis, papel akala yata kapag na bless ay susulat na ng sarili yung ballpen at yung lapis ng tamang sagot kahit hindi na siya mag-aral. Hindi naman masama humingi sa holy spirit ng enlightenement and wisdom pero ang tunay na nagdarasal sa holy spirit kapag dumating ang holy spirit itutulak ka niyam pumunta ka sa iyung kapwa. Ganyan ang nangyari kay Hesus, Mary, the mother of Jesus filled with the Holy spirit, the mother of mercy because filled with the spirit she gave to us not only the word of God who became human but she protected from original sin filled with the holy spirit became a compassionate woman. The presence of the holy spirit immersed her in the condition of humanity, naging batang babae rin si Maria, teenager siya ng dinalaw ng anghel, binigyan siya ng mga mangyayari sa buhay niya, gulong-gulo siya, sabi sa bibliya nagulat siya sa pagbisita ng anghel at ang kanyang mensahe, Mary was descerning just like any teenager ano nga ba ang buhay ko? may plano na kami ni Jose, dumating ang anghel magkakaanak daw ako lalang ng esperitu santo. Mga kabataan hindi lang ang mga babae pati ang mga kabataang lalaki palagay ko gulong-gulo din kayo sa buhay niyo minsan. Di nyo alam magdo-doctor ba ako takot ako sa dugo, mag-e-engineer ako takot ako sa math, mag na-nurse ako malaki ang kita nyan, naku di ko nga alam kung papanu mag-alaga. Ano ba ang gagawin ko mag te-teacher ba ako? wala akong pasensiya sa mga bata, alam ko na wala naman akong maisip magpapari na lang ako, Huwag namang ganun, pero dumarating sa buhay gulong-gulo kayo, kami namang matatanda na hindi kayo nauunawaan, sasabihin namin ano bang gusto niyo? ano ba kayong mga bata kayo ngayon? ibang-iba na ang kabataan ngayon, huwag kang mag alala, kabataan litung-lito ka kasama mo si Maria. Nauunawaan ni Maria ang pagkalito ng isang teenager, pero intelehente si Mariam she asked the right questions, how would this be and when it is clarified to her she with youthful courage said I am the handmaid of the Lord be it done to me according to your word, be brave young people, Mary shows you mercy. Be brave, open yourself to the Holy spirit and your not alone in your confusion, Mary went thru that. Nagdesdisyon na siya naglihi na siya lalang ng esperitu Santo. iiwanan siya ni Jose, sa ating lahat na kapag gumawa ng desisyon yung iba hindi kayo mauunawaan pati mga kaibigan niya iiwan kayo dahil hindi kayo maunawaan hanggang parang mag-iiisa na kayo. Dont you fret Mary went that, she understands your being alone you can turned to her she will be with you. Buti na lang mabait si San Jose at sumunod din sa anghel pero manganganak walang matuluyan at ipanagnganak niya ang sanggol na ipinalagak sa sabsaban, sa kainanan ng mga hayup, mga nanay mga nagadadalanatao na hindi ninyo alam kung kayo ay puwedeng pumunta sa ospital, hindi niyo alam kung mayroong tatanggap sa inyo, hindi nyo alam kung may kinabukasan ang inyong anak, naranasan yan ni Maria. She is with you, cling to her and like Mary you will hear good news and keep them in your heart. Ang gaganda ng sinabi ng mga pastol pero si Herodes gustong patayin ang bata, itinakbo nila ni Jose ang bata sa Egypt andami ngayong mga nanay at tatay na itinaktakbo ang mga anak nila refugees, tumatakabo mula sa Syria, sa Iraq, sa Afghanistan at pati naman dito sa atin mga lumads na tumatakbo dahil ang lupa nila ay inaagaw at ang buhay nila ay napapanganib. Huwag kayong matakot kung hindi kayo nauunawaan ng iba, kung hindi kayo tinatanggap ng iba, kung ang tingin ng iba sa inyo ay kayo ay danger, si Maria naging refugee rin, kasama ninyo si Maria sa pagtakas at paghahanap ng matutuluyan. Lumaki ang bata namiyesta sa Herusalem, dose-anyos,nawala ang bata, umuwi sila hindi kasama mga magulang na hanggang ngayon ay naghahanap sa inyong mga anak, hanggang ngayon ay hindi niyo makita kasama niyo si Maria, nauunawaan niya ang paghahanap sa anak. Namaalam si Hesus, magmimisyon, mga ina, mga ama kararating ko lang po kahapon galing abroad sa airport dito sa Pilipinas, nagdurugo ang puso ko kapag nakikita ang mga magulang na nagpapalam sa anak na magiging o-f-w. Puno ng lungkot, puno ng agam-agam, kasama niyo si Maria, alam ni Maria ang karanasan kung papano magpaalam ang anak. Ginawa ni Hesus ang kanyang misyon, andaming humanga pero ang iba ang sabi nasisiraan ng bait ang anak mo o kaya kampon ng demonyo ang anak mo. Mga magulang kapag nakakarining kayo ng hindi totoo, mga maling paratang kumapit kayo kay Maria, naranasan niya yan pero hindi nanghina ang kanyang pag-ibig. Dinakip ang kanyang anak, pinatay, iniwan ng mga kaibigan, si Maria nakatayo sa paanan ng kanyang anak. Ikinahiya man ng iba si Hesus hindi niya ikahihiya ang kanyang anak, anak ko yan! Ako ang kanyang ina! sa mga ina ,mga ama na makkikita ang bangkay ng kanyang anak tumangis kayo at sa inyong luha makikita ang luha ni Maria. Hindi kayo nag-iisang tumatangis, tumangis na noon pa ang ina ni Hesus. Subalit ng magtagumpay ang Diyos kay Hesus, si Maria ay nakiisa rin sa ligaya, magalak ka reyna ng langit nabuhay ang iyong anak. At kung papanung tinanggap ni Maria ang esperitu santo sa simula ng kaniyang misyon, sa katapusan she waited for the coming of the Holy spirit with the disciples of Jesus for the beginning of the churches mission. Tayo humahanap, ano ba ang tawag sa atin sa misyon ngayon? we are with Mary, we hope with Mary. Mary is the mother of mercy because she is filled and driven by the holy spirit and like her son she is fully human. She is a sister, a mother who understands our pains, our trivails and who will also rejoice with us when God triumphs. Sana bilang mga kapatid ni Hesus at anak ni Maria maging daan din tayo ng tunay na habag, mercy, papano? Maging bukas sa esperittu santo at makipagkapwa tao. Two weeks ago I was in Fatima nakapagmisa po ako doon sa chapel of the aparitions at nakasama sa rosary and procession the following evening, the message of the mother of mercy still being true, pray, nurture the relationship with God, open your heart constantly to the spirit of God, pray and work thru prayer and action, work for conversion, work for peace thru acts of mercy, thru reparation they sacrfice. Think not only of your selves but think of others, the conversion of sinners and peace in the world openness to the holy spirit and filled humanity, we pray that we may have these two traits in order to be to be fully and truly merciful like God, like Mary and like mother Teresa.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 18,840 total views

 18,840 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 24,427 total views

 24,427 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 29,943 total views

 29,943 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 41,064 total views

 41,064 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 64,509 total views

 64,509 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task Luis Antonio G. Cardinal Tagle

 5,519 total views

 5,519 total views The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task. Luis Antonio G. Cardinal Tagle Meeting of the Presidents of the Bishops’ Conferences on Safeguarding of Minors February 21, 2019 The abuse of minors by ordained ministers has inflicted wounds not only on

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life

 5,504 total views

 5,504 total views H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life Homily Feb 16, 2019 We thank God for bringing us together on this beautiful day. Let us give the Lord praise and thanksgiving, for life-giving creation and we thank God for this opportunity again to be one community proclaiming to the world

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Palm Sunday Homily

 5,464 total views

 5,464 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Conception March 25, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Sinisimulan po natin ngayon ang mga mahal na Araw Holy Week at ang pasimula ay ang paggunita natin sa maringal at mabunyi na pagpasok ni Hesus sa banal

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life 2018

 5,517 total views

 5,517 total views February 24, 2018 “Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya magpasalamat po tayo sa Panginoon na siyang nagtipon sa atin po sa umagang ito. Siya rin po ang naglalakad, siya ang tunay na naglalakad sumasama lang po tayo, Siya ang unang naglakad at patuloy na naglalakad, at tayo po ay ang kanyang katuwang. Hindi

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Feast Day of Blessed Takayama Ukon

 5,519 total views

 5,519 total views Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and praise to God for this day. We thank God for giving us the opportunity to be one community so that we could be renewed by his word, by his presence, by his spirit and

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily – His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila – Street Mass Zone 7, St. John Bosco Parish, Makati – January 19, 2018

 5,464 total views

 5,464 total views Muli po magpasalamat tayo sa Panginoon na tayo ay binigyan ng lakas ng katawan, tamang pag-iisip. Maganda ang panahon at kakayanan na maglakad at ngayon sama-sama tayo para sa Eukaristiya. Nagpapasalamat po ako kay Fr. Degs at mga kasama sa parokya sa paanyaya na makapiling kayo sa misang ito. Kung bibigyan po ng

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

HIS EMMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE TRASLACION – JANUARY 09,2018, QUIRINO GRANDSTAND

 5,564 total views

 5,564 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo. Una po sa lahat, magpasalamat tayo sa Diyos, siya po ang nagtipon sa atin itong mga mga nakaraang araw pa, hanggang ngayon, hanggang mamaya. Upang bilang isang sambayanan, tayo ay kanyang mapanibago ng kanyang salita, nang kanyang espiritu ng kanyang presensiya. Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio, New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral, December 31, 2017

 5,474 total views

 5,474 total views His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral December 31, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo tayo po ay mapuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos na siya pong nagdala sa atin sa gabing ito dito sa Manila Cathedral Basilica upang patuloy nating pagnilayan ang kahulugan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Welcomes the Year of the Clergy and Consecrated Persons as it culminates Year of the Parish: Communion of Communities Homily

 5,516 total views

 5,516 total views Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Nov.30, 2017 – Thursday Minamahal na mga Kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos sa Kaniyang kabutihan sa atin, sa ating mga parokya, sa ating mahal na Archdiocese of Manila. Lahat ng papuri ay sa Panginoon. Nagpapasalamat din po tayo dahil tinipon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Love2Last event of CFC

 5,459 total views

 5,459 total views HOMILY SMX Pasay City October 29, 2017 My Dear Brothers and Sisters in Christ, We thank God for bringing us together; we are one big family this afternoon as we celebrate the Eucharist. Kahit saang parokya, kahit saang lugar kapag nagdiriwang ng Eukaristiya tayo ay isang malaking pamilya na tinitipon ni Hesus sa

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

1st Year Anniversary of Sanlakbay

 5,471 total views

 5,471 total views Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Basilica de San Sebastian October 21, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos siya po ang nagtipon sa atin sa umagang ito upang sa pamamagitan ng kanyang salita, ng katawan at dugo ni Hesus at

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
1st day of Novena Mass for the feast day of St. Rafael
San Rafael Parish, Balut Tondo Manila

 5,526 total views

 5,526 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat magpasalamat tayo sa pagtitipon na ginawa ng Diyos para sa atin, bilang isang sambayanan bilang isang pamilya. Lalu na po sa unang araw ng ating pagno-nobena, bilang paghahanda sa kapistahan ng ating patron si San Rafael. Ang novena ay paghahandang spiritual, naghahandang pangsambayanan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top