Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kailangan pa natin ang US- AFP

SHARE THE TRUTH

 340 total views

Aminado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kailangang-kailangan pa ng Pilipinas ang Amerika sa panahon ngayon.

Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, sa isinasagawang AFP modernization, kailangan pa ng kasundaluhan ang abiso at technical advise ng US upang maayos itong maipatupad.

Sinabi ng Heneral na kung nabigyan lamang ng tamang ayuda ang AFP at napalakas ito alinsunod sa ating nais bilang malayang bansa ay hindi na sana kailangan ng Pilipinas ng tulong buhat sa ibang mga bansa.

Dagdag pa ni Padilla, sa ngayon kulang ang pondo ng militar dahil ito ay sapat lamang sa pasahod at sa pang-araw-araw na maintenance at walang sumosobra upang ipambli ng mga bagong kagamitan.

“So ngayon na nagkakaroon tayo ng modernization ang kanilang (US) abiso at pagtulong at technical advise ay hinihingi po natin para maayos nating maisagawa yan, kailangan natin ang US sa mga panahong ito, kung talagang nabigyan ng tamang ayuda ang AFP at napalakas natin alinsunod sa ating gusto bilang malayang bansa hindi na natin kailangan ang tulong ng ibang bansa, kaso tayo ay nagsisimula pa lamang magpalakas dahil ang pondong sa AFP ay sakto lamang ngayon sa sahod at sa maintenance ng ating pang araw-araw na pangangailangan, walang natitira na capital outlay para bumili at magpalit ng mga lumang kagamitan o bumili ng bagong kagamitan na kailangan natin upang magampanan ang ating constitutional duty. Ngayon pa lamang tayo nagsisimula kaya Kailangan i-leverage natin ang ating mga alliance at pagbutihan ang ating relationship sa mga bansang nais tumulong sa atin habang ang pagpapalakas ay ginagawa pa lamang natin,” pahayag ni Brig. Gen. Padilla sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, ayon kay general Padilla, nagpadala sila sa Department of National Defense ng ‘request for clarification’ kaugnay sa mga anunsiyo ng Pangulong Rodrigo Duterte may kinalaman sa relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos maging sa ibang mga bansa.

Ito ay upang makapagbigay sila ng kanilang mga puntos na kailangang punuan ng pamahalaan at ito ay tinugunan naman ng Pangulong Duterte na nangakong magbibigay ng sapat na pondo para sa AFP modernization.

“Kami ay bureau ng DND kaya nagpadala kami ng ‘request for clarification’ sa mga anunsiyo ni Pangulong Duterte dahil kung ano ang magiging desisyon niya, dahil kami ay nasa ilalim ng kanyang pamunuan ay sasang-ayon tayo sa kanya, pero ibibigay natin ang ating mga puntos na kailangang punuan ng ating pamahalaan so ang aming nakuha sa ating Mahal na Pangulo sa pagbisita sa atin nitong nakarang mga buwan at linggo gina-garantiya niya na bibigyan niya ang AFP ng angkop na pondo para sa modernisasyon at capability buildup, at kami ay nagpapasalamat gaya ng nagdaang administrasyon napakalaki ng naibigay na ayuda sa AFP at ganun din ang inaasahan naming sa mahal na pangulo,” ayon pa sa AFP spokesman.

Una ng inihayag ng Pangulo na humihiwalay na ito sa Amerika sa usaping militar at ekonomiya.

Sakaling masira ng tuluyan ang relasyon ng US at ng Pilipinas, nasa 3.4 milyon ang mga Filipino na nasa Amerika na magsasakripisyo lalo na at malaki ang kontribusyon nila sa ekonomiya ng bansa kung saan nitong first quarter ng 2016 may bahagi sila sa $11.9 bilyon na personal remittance ng mga Overseas Filipino Workers.

Inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na upang makamit ang kapayapaan at kaunlaran, kinakailangan ang pagkakaisa ng mga bansa at ng bawat mamamayan para na rin sa kapakinabangan ng nakararami.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 18,799 total views

 18,799 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 24,386 total views

 24,386 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 29,902 total views

 29,902 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 41,023 total views

 41,023 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 64,468 total views

 64,468 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 99,680 total views

 99,680 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 62,147 total views

 62,147 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pagtatapos ng halalan. Ayon sa Obispo, bilang halal na opisyal at pinili ng mas nakakaraming Filipino, kinakailangang maisakatuparan ng bagong pangulo ang pangakong ‘pagkakaisa’ ng buong bansa. “To

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 61,231 total views

 61,231 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan sa isinagawang Veritas Truth Survey ang 2,400 respondents sa kanilang perception kung sino sa mga presidential hopeful ang sumusunod sa Catholic values at beliefs. Lumabas sa nationwide V-T-S na nakuha

Read More »
Latest News
Veritas Team

Manindigan laban sa Anti-Terror Act of 2020, panawagan ng mamamayan sa taongbayan

 23,341 total views

 23,341 total views July 5, 2020, 10:43AM Umaasa ang chairperson ng Church People-Workers’ Solidarity (CWS)  at CBCP NASSA/Caritas Philippines Vice Chairman San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na maamyendahan at maipawalang bisa ang pagpapasa ng kontrobersyal na Anti-Terror Act of 2020 kung patuloy na mananawagan ang mamamayan sa pamahalaan. Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Latest News
Veritas Team

Guilty verdict sa opisyal ng Rappler, itinuturing na isang persecution

 23,327 total views

 23,327 total views June 16, 2020, 12:47PM Naniniwala ang mataas na opisyal ng simbahan na sinadyang patahimikin at idiin sa kasong cyberlibel si Rappler CEO Maria Ressa. Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, makikita ang pagsisikap na idiin sa kaso si Ressa at ang kanyang researcher na si Reynaldo Santos Jr. sa

Read More »
Latest News
Veritas Team

Tutukan ang COVID-19 pandemic at Marawi rehab sa halip na Anti-Terrorism bill-AMRSP

 23,329 total views

 23,329 total views June 4, 2020, 11:35AM Manila,Philippines — Nagpahayag ng pangamba ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines o AMRSP sa pagpapasa ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Anti-Terrorism Bill na mag-aamyenda ‘Human Security Act of 2007′ na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pahayag na inilabas ng grupo, nangangamba ito sa

Read More »
Latest News
Veritas Team

Pabuya sa pagtuklas ng gamot: ‘Fabunan, vaccine,’ subukan muna

 23,422 total views

 23,422 total views Muling nanawagan si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa pamahalaan na subukan ang Fabunan Antiviral Injection na pinaniniwalaang nakagagamot sa coronavirus disease. Ito ay matapos maglabas ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang magbigay ng P10M para sa makadidiskubre ng gamot laban sa COVID-19. “Si President Duterte nag-aalok ng P10M para

Read More »
Latest News
Veritas Team

Kasong sedition laban sa mga matataas na opisyal ng CBCP, ibinasura ng DOJ

 23,221 total views

 23,221 total views Ibinasura ng Department of Justice ang kasong “conspiracy to commit sedition, inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa, at obstruction of justice” laban sa tatlong Obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, mga pari at Vice President Leni Robrero. Kinumpirma ni Justice Undersecretary Markk Perete ang D-O-J panel resolution na nagpapawalang sala

Read More »
Latest News
Veritas Team

Divorce: Hindi lang usapin ng kababaihan, kundi ng buong pamilya

 23,223 total views

 23,223 total views Naniniwala ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi dapat madaliin ang pagpasa ng divorce bill. Lalu na’t mas maraming mga suliranin ang Pilipinas na higit na dapat bigyang tuon. Ito ang pahayag ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs kaugnay sa minadaling pag-apruba

Read More »
Politics
Veritas Team

Radio Veritas, Grace Poe, no.1 sa Veritas Truth Survey

 22,671 total views

 22,671 total views Nangunguna sa Veritas Truth Survey si Senatorial candidate Grace Poe. Pumasok naman sa magic 12 ng Veritas Truth Survey sina: Isinagawa ang survey sa mga Katolikong botante mula sa iba’t-ibang parokya ng 86 Arkidiyosesis at Diyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.  

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 22,634 total views

 22,634 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang mga nagawa nito sa bansa bago bantaan ang kaniyang mga kritiko. Ayon sa Obispo, kung nagbibiro na naman ang Pangulo ay hindi na dapat ito pansinin subalit kung seryoso si

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 22,645 total views

 22,645 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop Bagaforo na hindi kailangan ang ML dahil sa top priority ng Administrasyong Duterte ay magkaroon ng peace and order sa bansa. Binigyan diin ng Obispo na napapanahon ng bumalik sa

Read More »
Politics
Veritas Team

VP Leni Robredo: One-on-One sa Veritasan Part 2

 22,642 total views

 22,642 total views DRUG REHAB HINDI PAGPATAY Ang simbahan ang magbibigay ng guidance sa community na eto yung mga mabubuting gawin. In fact, marami kaming mga engagement with the church halimbawa kabahagi kami ng koalisyon ng mga organisasyon na nagsusulong ng community rehabilitation ng mga drug addicts, ‘yun tamang paraan para i-convert hindi ‘yung pagpatay. Kabahagi

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 22,648 total views

 22,648 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug War campaign. Ito ayon kay dating Solicitor General Atty. Florin Hilbay sa katatapos lamang na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa pagbubukas ng 17th Congress. “Hindi naman

Read More »
Politics
Veritas Team

CBCP, Tutol sa pag-aarmas ng mga Pari

 22,688 total views

 22,688 total views Naninindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP laban sa pag-aarmas ng mga Pari. Sa kabila ito nang magkasunod na pamamaril at pagpaslang sa Pari. Mariing tinututulan ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles na bigyan ng armas ang mga Pari para sa kanilang kaligtasan. Iginiit ni Archbishop Valles na bilang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top