397 total views
Nararapat palawakin ang pakikipagkaibigan ng Pilipinas na walang iiwang mga kaibigan o kaalyadong bansa.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, sinasabi ng mga nakakausap niyang ordinaryong tao na malaking epekto sa Pilipinas ang pakikipaghiwalay sa Estados Unidos.
Sinabi ni Bishop Cabantan na tulad ng pangamba ng marami ay malalagay sa alanganin ang business process outsourcing o call center industry.
Nangangamba ang Obispo na lubos na maapektuhan sa desisyon ang mga Overseas Filipino Workers na nagpapadala ng dollar remittances na siyang nagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Pinayuhan din ni Bishop Cabantan ang Pangulong Duterte na magsalita ng mahinahon at maayos na paraan.
“Just want to share the view of the taxi driver I had talked this am here. That decision was uncalled for he said. What will happen to the BPO, his son or daughter is working there. It might affect OFWs in US who are number one source of remittances. From his experience he shares the sentiments of many as we read in the newspapers. We can expand our friendships and alliances without leaving others. Besides that, can we not talk in a gentle manner?”pahayag ni Bishop Cabantan.
Noong 2015, nakapagtala ang BPO sector ng 1.2-milyong manggagawa na nagbibigay ng kabuuang 22-bilyong dolyar na kita sa Pilipinas.