Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 813 total views

Homily for Memorial of San Roque, Tues 16 August, 2022,

Mt 25, 31-40

May mga video ngayon tungkol sa isang sikat na barbero sa New York, lumalabas siya pag day-off niya sa mga kalsada para magpakain ng mga homeless at mabigyan sila ng libreng gupit at disenteng bihis. Sa dulo ng video ang highlight ay ang bagong itsura ng mga taong ito matapos na sila’y magupitan at mabihisan. Mula sa pagiging mukhang taong grasa, parang biglang bumabata sila.

Ganyan din siguro si San Roque kung gugupitan at aahitan ng balbas, lilitaw ang tunay niyang itsura. Ang dating akala nating isang matandang ermitanyo ay isang kabataan pala, baka mas bata pa ang itsura kaysa sa mga sakristan natin. Di ba nasabi ko last year—beinte anyos lang siya nang magsimula siyang maging peregrino, at trenta’y uno anyos lang siya nang mamatay. Mas bata pa siya nang kaunti kaysa edad ni Hesus nang maipako sa krus.

Ang madalas itanong tungkol sa kanya ay ito, “Bakit tinalikuran niya ang minana niyang kayamanan at kapangyarihan matapos na mamatay ang mga magulang niya?” Tipikal na kwento ito ng mga peregrino: naghahanap sila ng kahulugan sa buhay nila. Kahulugan na hindi nila makita sa kayamanan, kapangyarihan at katanyagan.

Ang tunay na hinahanap ni San Roque ay si Kristo. Ang destinasyon sana niya ay Roma para sumunod sa yapak ni St Francis of Assisi na tumalikod din sa makamundong kayamanan upang maging alagad ni Kristo. Pero hindi siya nakaabot doon. Bakit? Naudlot kasi ang paglalakbay niya dahil sa isang epidemya na naging pandemya. Imbes na umiwas sa mga tinatamaan ng salot, nagvolunteer siya na tumulong para dalhin ang mga biktima sa Ospital ng San Juan, hanggang sa siya mismo ay nahawa din.

Darating ang panahon babalik-tanawin natin ang naranasan nating pandemya at sigurado ako aaminin natin na naging exaggerated ang reaksyon natin sa Covid 19. Kung sa kabila ng katotohanan na ang swerte nga natin dahil sa modern science at medicine ganoon pa rin ang reaksyon natin sa virus na ito, sila pa kaya noong mga panahong iyon?

Wala pa silang alam noon tungkol sa ganyang mga sakit. Ang tingin nila ito’y parusa. Isipin mo kung maysakit ka na nga iiwasan ka pa di lang dahil maaari kang makahawa, kundi dahil akala nila may dala kang sumpa na parusa para sa pagkakasala.

Nakita ba ni San Roque ang hinahanap niya bilang peregrino? Ang susi sa pagsagot sa tanong ay ang binasa nating ebanghelyo. Galing sa Mateo 25, na makikita ninyong nakapaskel dito sa loob ng ating catedral sa likod ng imahen ng Poong Nazareno. Sinadya ko talagang iugnay ang Nazareno sa Mateo 25 upang makita ng mga deboto ang tunay na kahulugan ng kanilang debosyon. Ang pagdurusa ng manunubos ay nagpapatuloy pa rin sa pagdurusa ng mga dukha at mga nasasantabi ng lipunan.

Kaya nagpagawa ako ng pitong paintings na may kasamang kahon ang bawat isa: pagkain sa nagugutom, abuloy sa mga namatayan, kalinga sa mga maysakit, pagdalaw sa mga bilanggo, tahanan para sa mga palaboy, atbp. Ibig kong mangusap ang Nazareno sa mga ibig tumulong at makipasan sa krus niya. Para marinig nila sa Panginoon, “Gusto mo akong alalayan? Huwag ako ang alalayan mo, kundi ang mga walang-wala sa daigdig na ito.” Dahil anuman ang gawin mo para sa pinakahamak sa mga kapatid ko ay ginawa mo para sa akin.

Ito ang naging inspirasyon ng Jesuit composer ng liturgical music sa ginawa niyang kantang Hesus na aking kapatid.

“Hesus na aking kapatid

Sa lupa nami’y bumalik

Iyong mukha’y ibang-iba

Hindi kita nakikilala”

Si San Roque man, nang bumalik sa kanyang sariling bayan ay hindi na raw nakilala ng sariling mga kamaganak. Siguro dahil napakarami niyang nakatagpong mga maysakit, nagdurusa at namamatay, parang gumuhit sa mukha niya ang anyo nila. Di ba si Mother Teresa ganyan din? Napuno ng kulubot ang mukha niya. Parang nakuba siya sa pakikibitbit sa mabibigat na pasanin ng mga dukha.

Si San Roque naman ay napagbintangan pa na isang espiya, nakulong at namatay sa bilangguan. Nakilala lang daw siya dahil sa marka sa katawan niya. Di ba si St Francis, dinala din niya sa katawan niya ang mga marka ng pagdurusa ni Hesus? Ang tinatawag na stigmata?

Parang inulit ni San Roque ang kwento ng Panginoon ayon sa ulat ni San Juan, “Dumating siya sa sariling bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sariling mga kababayan.”

Sa kwento ng dalawang alagad na tumatakas patungong Emmaus, unti-unti daw na nakilala ng dalawa ang kanilang kalakbay. Una, sa pakikinig sa kanyang kuwento habang daan—ang salita daw niya ay parang nag-aapoy sa kalooban nila. Pangalawa, sa pakikisalo sa kanya sa mesa, nabuksan daw ang kanilang mga mata at sa wakas, nakilala siya. Ngunit pagkatapos, naglaho naman siya. Ang nagpakita ay nawala dahil ngayon, ang nakakita sa mukha niya ay magpapakita naman ngayon ng kanyang mukha sa sarili nilang katauhan bilang kanyang bagong kinatawan.

Kaya ang panalangin natin sa Misang ito, tayong nakinig sa kanyang salita at makikisalo din sa kanyang hapag ay ang refrain ng kanta ni Fr Hontiveros:

“Tulutan mo’ng aking mata

Mamulat sa katotohanan

Ikaw, Poon makikilala

Sa taong mapagkumbaba”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 37,392 total views

 37,392 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 48,467 total views

 48,467 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 54,800 total views

 54,800 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 59,414 total views

 59,414 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 60,975 total views

 60,975 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 6,142 total views

 6,142 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 8,272 total views

 8,272 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 8,271 total views

 8,271 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 8,273 total views

 8,273 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 8,269 total views

 8,269 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 9,140 total views

 9,140 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 11,342 total views

 11,342 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 11,375 total views

 11,375 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 12,729 total views

 12,729 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 13,826 total views

 13,826 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,035 total views

 18,035 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 13,754 total views

 13,754 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 15,123 total views

 15,123 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 15,384 total views

 15,384 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,077 total views

 24,077 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top