251 total views
Ito ang patuloy na panawagan ng Simbahan sa mga mananampalatayang Katoliko kaugnay sa pagdiriwang ng Halloween o hallows eve o kilala rin bilang All Saints Eve-bisperas ng Todos Los Santos.
Kaugnay nito, ipinagdiwang ng San Juan Evangelista at Apostol Parish ang ika-limang taon na pagsasagawa ng March of the Saints sa Bagbaguin, Sta. Maria Bulacan na dinaluhan ng may 50 mga kabataan na nakadamit ng mga Santo ng simbahan.
Ayon kay Fr. Nick Lalog II, kura paroko- mahalagang sa murang edad pa lamang ay kilala na ng mga bata ang mga apostol ni Hesus at mga Santo na maari nilang tularan dahil sa pamumuhay ng dalisay.
“Akoy natutuwa na marami ng mga parokya sa buong Pilipinas ang merong march of the saints. Sana nga ay maging magandang simulain para sa ating mga bata na mamulat sa mga banal hindi sa mga impakto hindi sa mga kasamaan. Sana’y mamulat sa buhay ng mga santo na nagbigay ng buhay para sa pananampalataya, nagmahal, nagpatawad, umunawa, kumalinga sa mga mahihina,” ayon sa pahayag ni Fr. Lalog.
Dagdag pa ng Pari ang pagdiriwang na ito ay mahahalintulad din natin sa networking sa digital world ang communion of saints; mga nasa purgatoryo at mga nabubuhay pa na magkakarugtong para humarap sa ating ama sa langit.
“Isang bagay na dapat nating makita ngayon sa ating mundo sa ating digital world ano, yung sinasabi nating network- yung sinasabi nating magkakatugdugtong. Na ang kapistahang ito ng halloween, ng All saints day…kaya nga halloween, ‘hallowed evening’ banal na gabi sapagkat bisperas ng Todos los Santos. Ano nga ba? bakit kailangan nating maalala ang mga santo kasi sila ang network natin. Yung communion of saints ay parang masasabi natin na network of the Saints, mga banal na nasa langit kahit hindi deklarado ng simbahan basta’t sila’y nakapasok na sa langit ay itinuturing ng banal, mga pinagpala. Tulad ng sinasabi sa ebanghelyo natin ngayon, mapalad kayong mga dukha na walang inaasahan kundi ang Panginoong Diyos. Tayong lahat ay pinagpala so meron tayong network ng mga nakapasok sa langit; network ng mga gustong pumasok sa langit (nasa purgatoryo) sa makalawa naman un sa Nov. 2 at mga network din naman ng mga nabubuhay pa ngayon na nagsisikap na maging mabuting tao upang sa gayon pag dumating ang takdang panahon tayo ay pumanaw tayo ay magsama-sama, magtitipon-tipon sa harap ng panginoong Diyos sa buhay na walang hanggan,” ayon pa sa pari.
Ayon pa kay Fr. Lalog, “Dapat unang makilala ang apostol ng Panginoon, mga santo na gumawa ng ganito, Santo na galing sa Pilipinas. Sino ang mga Santa na dapat pamarisan ng mga kabataan at kababaihan. Mga Santa na naging dalisay, malinis ang pamumuhay, o kaya ang mga Santa na murang edad ay nakapaglingkod. Si St. Therese of the Child Jesus-ipinakita nya na kahit siya ay nasa monasteryo nagdarasal malaki ang kaniyang kontribusyon sa mundo. Iyan ang dapat na makamulatan ng mga bata ngayon sa pamumuhay na dapat pamarisan ng mga bata ngayon ay mga banal.”
Una na rin ipinag-utos ni Pope Boniface IV ang pagdiriwang ng All Saints Day tuwing unang araw ng Nobyembre bilang pakikiisa at pagkilala sa lahat ng mga Santo – kilala man o hindi.
Sa kasaysayan, may higit na sa 10 libong Santo ang idineklara ng Simbahan kung saan noong Setyembre ay na-canonized na rin si St. Theresa of Calcutta. Habang Pilipinas naman ay biniyayaan ng dalawang Santo na sina San Lorenzo Ruiz (Pope Paul II 1987) at San Pedro Calungsod na naging Santo noong 2007 sa ilalim ng pamumuno ni Pope Benedict the 16th.