Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 289 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang administrasyon ni Pangulong Digong Duterte, ilang beses nating narinig sa kanyang kulang na kulang na ang pera ng gobyerno upang tugunan ang marami at mabibigat na problema sa ating bansa.

Ilang buwan mula nang magsimula ang pandemya at ang pagpapatupad ng malawakang lockdown noong 2020, sinabi ng dating pangulong wala nang pera ang pamahalaan upang bigyan pa ng ayuda ang 18 milyong mahihirap na pamilyang ang mga miyembro ay nawalan ng trabaho o hindi makapaghanapbuhay. Kasabay nito ang pangangailangang tulungan ang pag-aaral ng mga estudyante sa malalayong lugar noong isinara ang mga paaralan dahil sa pandemya. Humingi ng pasensya si dating Pagulong Duterte habang nagkakandarapang maghanap ang kanyang administrasyon ng pambili ng mga distance learning gadgets katulad ng mga transistor radio. Nang nanalasa naman ang Bagyong Odette noong 2021, gustuhin man daw ni dating Pangulong Duterte na agarang mabigyan ng tulong ang mga apektado nating kababayan, hiráp daw siyang gawin ito dahil ubos na raw ang kaban ng bayan. Sinisi niya ang pandemya sa kawalan ng pondong magagamit sana sa pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang nawalan ng tirahan at kabuhayan.

Nitong mga nakalipas na linggo, lumabas sa mga ginawang reports ng Commission on Audit (o COA) sa mga ahensya ng gobyerno ang ilang findings na nagpapahiwatig na parang hindi naman talaga nasaid ang kaban ng bayan.

Narito ang ilang halimbawa. Gumastos ang Department of Information and Communications Technology (o DICT) ng 93 milyong piso upang bumili ng mga bagong gadgets katulad ng laptops at tablets. Ngunit natuklasang hindi naman naipapamahagi pa ang mga ito sa mga dapat makatanggap.

Umabot naman sa 1.38 bilyong piso ang ginastos para naman sa mga PPE, ngunit ang pagbilil ng mga ito ay hindi dumaan sa tinatawag na due diligence. Ipinamahagi ang mga PPE sa mga COVID-19 front-liners ngunit ang mga ito pala ay hindi awtorisadong ibenta. At siguro ay narinig na ninyo ang tungkol sa mga laptops na binili ng Department of Education (o DepEd). Sobrang mahal ng mga ito gayong hindi naman mabibilis at de-kalidad ang mga biniling units.

Sa laki ng pondong nailabas ng gobyerno para sa mga bagay na hindi naman napakinabangan o binili nang lampas sa tamang presyo, talaga nga bang walang pera ang nakaraang administrasyon? Ano ang gagawin ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr, sa mga ulat na ito ng COA? Mapapanagot kaya ang mga taong nasa likod ng mga kuwestyonableng transaksyong ito? May mga pagkukulang ba ang nakaraang administrasyon kaya nalustay ang napakalaking pera ng bayan?

Ang mga nasa pamahalaan ay may natatanging tungkuling pangalagaan ang interes ng mga mamamayan, at malaking bahagi nito ang pangangasiwa sa pera ng bayan at paggamit nito sa wastong paraan. Sa isang misa noong 2020, sinabi ni Pope Francis na ang mga opisyal ng gobyerno ay naatasang gumawa ng mga mahahalagang desisyon para sa kabutihang panlahat o common good. Sa paglutang ng mga kuwestyonableng transaksyon sa ilalim ng nakaraang administrasyon—hindi lamang noong nakaraang taon kundi mula pa noong nagsimula ito—masasabi ba nating kabutihang panlahat ang naging batayan ng kanilang ginawang mga pasya sa paggamit ng perang ipinagkatiwala natin sa kanila?

Mga Kapanalig, kasabay ng pagdarasal para sa kanila (gaya nga ng paalala sa 1 Timoteo 2:1-4), tungkulin din nating mga mamamayang bantayan ang kanilang ginagawang mga desisyon. Perang mula sa ating buwis ang ipinagkakatiwala natin sa kanila, kaya dapat lamang na panagutin ang mga naglulustay nito at ang mga nagtatakip sa kanila. Hindi natin ito dapat palampasin at tanggapin na lang ang mga katwirang wala na tayong pera upang tugunan ang mga kailangan ng bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 35,979 total views

 35,979 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,635 total views

 50,635 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,750 total views

 60,750 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 70,327 total views

 70,327 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 90,316 total views

 90,316 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 35,980 total views

 35,980 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,338 total views

 3,338 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,636 total views

 50,636 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,751 total views

 60,751 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 70,328 total views

 70,328 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 90,317 total views

 90,317 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,127 total views

 49,127 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,152 total views

 44,152 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,721 total views

 47,721 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,176 total views

 60,176 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,243 total views

 71,243 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,562 total views

 77,562 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,172 total views

 82,172 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,732 total views

 83,732 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,293 total views

 49,293 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top