Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,176 total views

Mga Kapanalig, ano ba itong kaguluhang nangyayari sa industriya ng asukal sa ating bansa?

Nagsimula ito sa isang hindi awtorisadong resolusyong nagpapahintulot sa pag-aangkat ng tatlong daanlibong tonelada ng asukal. Kasama ang ibang board members ng Sugar Regulatory Administration (o SRA), nilagdaan ni Undersecretary Leocadio Sebastian ang nasabing resolusyon. Kinatawan niya si Pangulong Bongbong Marcos Jr, na chairman ng SRA at kalihim ng Department of Agriculture (o DA). Ngunit agad na pinabulaanan ng presidente ang nasabing resolusyon. Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, wala namang ipinatawag na board meeting ang pangulo kaya wala ring resolusyong dapat naipasa.

Ang pagpirma ni Usec. Sebastian sa resolusyon ay nagmula sa paghirang sa kanya bilang Undersecretary for Operations ng DA ni Executive Secretary Vic Rodriguez. Ginawaran din siya ng dagdag na awtoridad katulad ng paglagda sa mga kontrata, kasunduan, at financial at administrative documents na may kaugnayan sa mga programa at proyekto ng kagawaran.

Ngunit bakit hindi tinanggap ni Pangulong Marcos ang nasabing resolusyon? Paglilinaw ni Secretary Angeles, ang pagkatalaga kay Usec. Sebastian bilang kinatawan ng pangulo ay para lamang dumalo sa mga pulong na hindi madadaluhan ng presidente, at hindi para magpatawag ng miting o lumagda sa anumang resolusyong hindi nalalaman ng pangulo.

Mag-iimbestiga raw ang Malacañang upang tingnan kung may dahilan na mawalan ng tiwala o kumpiyansa ang pangulo sa mga opisyal ng SRA o kung may kapabayaang nangyari. Samantala, nauna nang nagbitiw sa puwesto si Usec. Sebastian. Sumunod sa kanya sina SRA board Vice-Chair Hermenegildo Serafica at ang kinatawan ng mga sugar millers na si Ronald Beltran. Tanging si Aurelio Valderrama Jr, na kinatawan ng mga planters sa board, ang nagpasyang manatili sa posisyon. Aniya, ang kontrobersyal na resolusyon ay batay naman sa datos. Nagkaron din daw ng maayos na konsultasyon sa mga pederasyon ng mga magsasaka at producers ng asukal na sumang-ayon sa pangangailangang mag-angkat ng asukal.

Sa huli, magpapasya rin pala si Pangulong Marcos Jr na mag-import ng asukal matapos siyang makipagpulong sa mga negosyante sa industriya ng asukal. Ang Philippine Chamber of Commerce and Industry ay nagbabalâ sa pagtaas ng presyo ng mga inumin at pagkain dahil sa kakulangan ng suplay ng asukal. Ang Philippine Center for Entrepreneurship ay nagsabing napapanahon ang pag-aangkat upang matulungan ang maliliit na nag-aasukal at ang mga mamimili. Sa pakikipagpulong ng presidente sa Philippine Chamber of Food Manufacturers, pumayag siyang mag-import nang direkta ang mga negosyante bilang kagyat na solusyon sa kakulangan sa suplay ng asukal.

Ano nga kaya ang tunay na kalagayan ng sektor ng asukal sa ating bayan? Sapat ba ang suplay ng asukal o hindi? Bakit itinalaga si dating Usec. Sebastian kung hindi naman niya malayang magagawa ang responsabilidad na nakaatang sa kanya? Bakit biglang naiba ang posisyon ng pangulo tungkol sa importation matapos makipagpulong sa mga negosyante? Napakaraming tanong na naghahanap ng kasagutan.

Mga Kapanalig, mahalagang maipabatid sa taumbayan ang tunay na kalagayan ng mga industriya katulad ng asukal, lalo pa’t nakaaapekto ang mga ito sa ating pang-araw-araw na buhay at kabuhayan ng marami. Dapat nalalaman ng mga lider ang kalagayan ng kanilang mga kinasasakupan o, kung gagamitin natin ang mga salita sa Mga Kawikaan 27:23, ang kawang dapat nilang alagaang mabuti. Tayo namang mga mamamayan ay hinihimok na maging maalám at mapanuri sa mga ginagawa ng ating mga pinuno. Katulad ng ipinahihiwatig ni Pope Francis sa Fratelli Tutti, dapat nating bantayan ang iba’t ibang paraan ng pagbabaluktot at pagtatakip sa kung ano ang totoo. Sa isyu ng kakulangan ng asukal, alamin natin dapat ang tunay na kalagayan ng industriya at kung paano sosolusyunan ng gobyerno ang nakaambang krisis sa asukal.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 35,204 total views

 35,204 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 49,860 total views

 49,860 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 59,975 total views

 59,975 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 69,552 total views

 69,552 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,541 total views

 89,541 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 35,205 total views

 35,205 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,285 total views

 3,285 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 49,861 total views

 49,861 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 59,976 total views

 59,976 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 69,553 total views

 69,553 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,542 total views

 89,542 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,054 total views

 49,054 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,079 total views

 44,079 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,648 total views

 47,648 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,103 total views

 60,103 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,170 total views

 71,170 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,489 total views

 77,489 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,099 total views

 82,099 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,659 total views

 83,659 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,220 total views

 49,220 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top