Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 258 total views

22nd Sunday Cycle C

Sirach 3:17-18.20.28-29 Heb12:18-19.22-24 Lk 14:1.7-14

Nakakatagpo tayo ng mga taong mayabang. Tinatawag natin ang mga ito na mahangin. Nilalayuan natin ang mga ganitong tao. Sa mga kwentuhan, sila na lang ang bida. Sila palagi ang tama. Mas magaling sila, kaya ini-small nila ang iba. Kapag hindi nasusunod ang kanilang gusto, madali silang magalit. Sila’y matampuhin. Ang inuuna nila ay ang sarili nila – sa sila’y makilala, na sila’y mapagbigyan, na sila ang makapakinabang. Kaya magkakambal ang makasarili at ang mayabang. Mahirap pakisamahan ang mga taong ganito. Ayaw natin sa ganitong mga tao. Ayaw din ng Diyos sa kanila. Hindi sila madaling sumunod kahit na sa Diyos.

On the other hand, gusto natin sa mga taong mapagkumbaba. Hindi naman sila utu-uto pero sila ay masunurin, handang matuto at mapagbigay sa iba. Nakikita nila ang pangangailangan ng iba kasi hindi sila naka-sentro sa sarili. Hindi sarili ang hinahanap nila. Kinalulugdan sila ng mga tao at magaan ang loob natin sa mga taong mapagkumbaba. Kaya sinulat ni Sirak sa ating unang pagbasa: “Maging mapagkumbaba ka sa pagtupad ng tungkulin at mamahalin ka ng mga taong malapit sa Diyos.” Hindi lang sila magugustuhan ng mga tao. Magugustuhan din sila ng Diyos. Kaya sinulat din ni Sirak: “Habang ika’y dumadakila, lalo ka namang magpakumbaba, sa gayo’y kalulugdan ka ng Diyos.” Madaling mahulog sa kayabangan kapag may posisyon ka na, habang kinikilala ka ng mga tao dahil sa iyong galing, o kayamanan, kapangyarihan. Kaya’t malaking hamon ang manatiling mapagkumbaba habang dumadakila ka. Pero alalahahin natin: Ibinabagsak ng Diyos ang nagmamataas at dinadakila naman niya ang nagpapakumbaba.

Kinukuha ni Jesus ang lahat ng pagkakataon para maging teaching moments. Talagang siya’y isang magaling na guro. Tinuturuan niya tayo tungkol sa buhay na galing sa lahat ng pagkakataon. Sa ating ebanghelyo ngayon kinuha ni Jesus ang okasyon ng isang handaan upang magturo tungkol sa pagpapakumbaba. Nakakapagturo si Jesus at nakakakuha ng lesson sa mga pangyayari kasi siya ay mapagmasid. Kaya ang mga katuruan ni Jesus ay hango sa buhay. May dalawang aral siyang ibinigay sa mga tao – sa mga inaanyayahan at para sa nag-anyaya.

Napansin niya na marami sa inanyayahan ay naghahangad ng magandang pwesto sa handaan. Gusto nilang kilalanin ang kanilang mataas na kalagayan o posisyon. Kaya sabi ni Jesus na hayaan na natin na ang nag-anyaya sa atin ang kumilala ng ating halaga at hindi ang ating sarili. Siya na ang maglagay sa atin kung saan tayo uupo. Baka lang mapahiya tayo na may mas natatangi pa palang panauhin kaysa atin. Ito ay totoo hindi lang sa kainan, pero pati na sa ibang okasyon sa ating buhay – sa trabaho, sa anumang pagtitipon, sa mga contests, at pati na sa politika. Huwag isipin na tayo na ang pinakamagaling. I-consider natin na may mas magagaling pa kaysa atin.

Let us do our best, but let us allow others to judge our worth. Dito daw sa Pilipinas, walang natatalong kandidato sa election. Ang sinasabi ng natatalo ay sila’y dinaya. Kaya maganda ang attitude ni Leni. Noong lumabas sa COMELEC na malaki ang lamang sa kanya ng kalaban, hindi siya nagprotesta kahit na marami ang nagsasabi na may mga dahilan na magprotesta siya. Tinanggap niya ang pagkatalo at naghanap ng ibang paraan para maglingkod sa bayan. Hindi siya hinayaang maglingkod bilang presidente, nakiusap siya sa mga kakampi niya na maglingkod sila bilang isang NGO. Ang mahalaga ay mapaglingkuran ang taong bayan na malaki ang pangangailangan.

May aral din si Jesus sa leader ng mga pariseo na nag-anyaya sa kanya. Napansin niya na ang mga panauhin sa salu-salo ay ang mga dakila sa kanilang lipunan – ang mga kilalang tao o mga tanyag na kamag-anak. Sila ang inanyayahan kasi sila din ang nag-aanyaya sa kanilang handaan, o sila ang maaaring mag-anyaya din sa kanya. Iba ang pananaw ni Jesus tungkol dito. Ang tinuturo niya ay anyayahan ang mga maliliit na tao – ang mga pulubi, mga pingkaw, mga mahihirap na kamag-anak – iyong mga tao na hindi makasusukli sa kabutihan na ginawa sa kanila kasi wala naman silang kakayahan. Ang Diyos na ang gagantimpala sa kanila. Ang lahat ng kabutihan ay may nararapat na gantimpala kasi ang Diyos ay makatarungan. Anumang kabutihan na hindi magagantihan kasi hindi ito napapansin o walang kakayahan ang nakatanggap ng kabutihan, Diyos na ang gagantimpala.

Maganda ang pagsabi ng pasasalamat sa Bicol language. Ang THANK YOU sa kanila ay DIYOS MABALOS, na ang ibig sabihin, Diyos na ang maganti, parang sinasabi na hindi ko kayang gantihan ka ng sapat sa ginawa mo – DIYOS MABALOS – ang Diyos na ang gaganti sa iyo at sapat siyang gumanti!

Sa ating panahon ngayon dahan-dahan na nawawala na ang pagpapakumbaba. Ibig natin na tayo ay makilala. Parang ang pagpapakumbaba ay tanda ng kahinaan. Tinutulak din tayo na makilala at maging tanyag ng social media. Anong maliit na nangyari sa atin o ating ginawa ay pinopost natin agad sa social media. Gusto natin na i-like tayo ng maraming tao. Akala natin ay dakila tayo kasi may marami na tayong friends sa social media. Nasasaktan tayo kapag tayo ay ina-unfriend. Ang hangarin natin ay maging viral tayo. Gusto nating pansinin tayo kaya kung anu-ano na ang ginagawa – anong sayaw, anong awit o salita, basta lang mapansin – para lang maging viral. Pero ang pagiging viral ay panandalian lang. Viral tayo ngayong araw o ngayong sandali lang nga, at bukas wala na.

Ang halaga ng tao ay wala sa pagpansin sa kanya ng iba. Ang kanyang worth ay ang kanyang kabutihan at kagandahang loob, nakikita man ng iba o hindi. Nakatatak ang mga iyan sa puso ng Diyos. Ang dapat pahalagahan natin ay kung ano ba ang tingin ng Diyos sa atin. Siya ang nakakakita at nakakaalam ng tunay na halaga natin. Anumang kabutihan na nagawa natin ay alam niya at hindi niya ito kaliligtaan. May gantimpala ang lahat ng kabutihan. Hayaan natin na tayo ay kilalanin at gantimpalaan ng ating Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 35,426 total views

 35,426 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,082 total views

 50,082 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,197 total views

 60,197 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 69,774 total views

 69,774 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,763 total views

 89,763 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,799 total views

 5,799 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,896 total views

 6,896 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,501 total views

 12,501 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,971 total views

 9,971 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 12,019 total views

 12,019 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,347 total views

 13,347 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,593 total views

 17,593 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 18,021 total views

 18,021 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,081 total views

 19,081 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,391 total views

 20,391 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,120 total views

 23,120 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,306 total views

 24,306 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,786 total views

 25,786 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,196 total views

 28,196 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,472 total views

 31,472 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top