323 total views
Kapanalig, alam mo ba kung nasaan ang mga anak niyong teenager ngayon?
Isa sa mga pinakamalaking isyu sa ating mga kabataan ngayon ay ang teenage pregnancy. Bago magkaroon ng pandemya, ang antas ng teenage pregnancy sa ating bayan ay isa sa pinaka-mataas sa Southeast Asia. Tinatayang mga 538 na sanggol ang sinisilang ng mga teenage mothers ating bansa kada araw. Malaki ang implikasyon nito para sa kinabukasan ng mga batang ina pati na sa kanilang mga supling.
Ang mga teenage mothers ay bulnerable sa kahirapan. Ang mga babaeng ina ay ang karaniwang humahawak ng responsibilidad ng pagpapalaki at pag-aalaga sa kanilang anak. Marami sa kanila ang hindi na nakakabalik sa pag-aaral pagkatapos manganak. Marami sa kanila ang umaasa na lamang sa kanilang mga kaanak para mabuhay dahil sa kanilang murad edad, educational attainment, at responsibilidad. Hirap silang makakuha ng trabaho. Napuputol o nadi-disrupt ang kanilang growth at development, at natatali sila sa responsibilidad sa batang edad.
Ang mga teenage mothers pati ang kanilang anak ay bulnerable rin sa malnutrisyon at sakit. Dala ng kawalan ng kita, maraming mga teenage parents hirap makakuha ng masustansyang pagkain para sa kanilang sarili at sa kanilang anak. Ang gutom at malnutrition ay may mga long-term consequences din para sa growth ng ina at anak. Stunted ang kanilang growth at nakaka-purol din ito ng pag-iisip.
Kapanalig, ang pag-aalaga ng anak ay isang misyon. Mahirap ito gawin, hindi ba, kaya nga’t may kasabihan na it takes a village to raise a child. Ayon din sa Gaudium et Spes: The well-being of the individual person and of both human and Christian society is closely bound up with the healthy state of the community of marriage and the family.
Kapanalig, ang teenage pregnancy at ang mga kabataang naghahanap ng pagmamahal sa labas ng pamilya sa murang edad ay isang senyales na nagkukulang tayo sa pagmamahal at atensyon sa ating tahanan. Kaya’t sana mas lalo pa nating pausbungin ang pagmamahal sa ating kabahayan kahit pa malaki na ang ating mga anak. Kadalasan, sa maraming tahanan, hindi na natin masyado kinakamusta ang mga teenagers natin dahil sila ay malaki na. Pero kapanalig, ito ang panahon na mas kailangan nila ng ating gabay at pagmamahal. Ito kasi ang panahon kung kailan nila gagawin ang mga life-changing decisions sa kanilang buhay bago sila tumawid o mag-transisyon tungo sa “adulthood.”
Sumainyo ang Katotohanan.