1,550 total views
Pakikiisa sa sangnilikha sa pagbibigay halaga sa mga karapatan at pakikipag-ugnayan.
Ito ang mensahe ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pagdiriwang ng Season of Creation.
Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang Listen to the Voice of Creation- na isang pagkakataon ng bawat isa sa pagpapanibago mula sa nakagawian lalo na ang pangangalaga sa kalikasan.
‘Yung mga nakagawian nating ugaling mapang-abuso sa ating kalikasan at magkaroon naman tayo ng pakundangan. Lalo na sa mga disastrous, mga malagim, mga epekto na hindi mapanumbalik ng ating mga models of development na masyadong destructive at mapagsamantala sa daigdig. The world is our common home,” ayon kay Bishop David.
Giit ng obispo, ang nag-iisang mundo ay pinananahanan ng lahat ng nilikha na sila ring pangunahing mapipinsala dulot lumalalang epekto ng mga kalamidad na sanhi ng mga pang-aabuso sa kapaligiran
Nagsimula ang monthlong celebration ng September 1 hanggang October 4-ang kapisatahan ni San Francisco de Asis.
Sa Pilipinas ay pinalawig ang pagdiriwang ng hanggang Indigenous Peoples Sunday o October 9 bilang pagkilala sa mga katutubo sa kanilang natatanging pangangalaga sa kapaligiran.(