519 total views
Nanawagan si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa lahat ng mananampalataya ng patuloy na pagsasabuhay ng mga katuruan ni Saint Mother Teresa of Calcutta.
Inihayag ni Bishop Pabillo na ipinapaalala ng Santo ang gawain ni Hesus na kalingain at mahalin ang mga mahihirap.
“She reminds us of the call of the Lord Jesus to care and live him by caring and loving the poor. Let us pray to St Mother Teresa to inspire us with her live for the poor,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.
Inalala din ng Obispo ang katangi-tanging pag-aalalay ni Saint Mother Teresa ng buhay upang kalingain ang mga pinakanangangailangan sa ibat-ibang panig ng daigdig.
“Sr Mother Teresa is known all over the world for her charity to the poorest of the poor by giving herself totally to them in caring for them, making them feel that God loves them. It is therefore very appropriate that her feast on Sept 5 is the Internally Day for Charity,” ayon pa sa mensahe ng Bishop Pabillo.
Ginawa ng Obispo ang paalala ng Obispo sa nalalapit na kapistahan ng Santo sa September 05 na paggunita rin ng International Day of Charity.
2003 ng unang mabiyatipikahan si Mother Teresa at ganap na naging santo noong 2016.
1950 ng itatag ni Saint Mother Teresa ang Missionaries of Charity na pinamamahalaan ng mahigit sa 4,000 madre sa ibat-ibang bansa.
Noong nabubuhay ay kilala ang Santo bilang “The Living Saint” dahil sa kaniyang pagkalinga sa may mga sakit sa mahihirap na bansa.