217 total views
Bubuo ng Sierra Madre Council ang Department of Environment and Natural Resources upang mapaigting pa ang pangangalaga sa kabundukan.
Dito binigyang diin ni DENR Under Secretary on International Affairs and Foreign Assisted Programs Atty. Jonas Leones na mahalagang makisangkot ang mga katutubo sa pagpaplano kung paano mapapaunlad ang kanilang komunidad nang hindi nakasasama sa kalikasan.
Dito rin binigyang diin ni USec Leones ang pahayag ni Environment Secretary Gina Lopez na hindi tunay na masasabing maunlad ang isang komunidad kung nananatiling mahihirap ang mamamayan.
“Ang lagi ngang sinasabi ni Secretary, no matter how successful a program maybe, kahit maraming projects kahit maraming resources, kapag po ang benepisyo ng mga programang ito ay hindi naman bumababa sa komunidad, talaga pong naghihirap ang mga komunidad ay wala ding saysay ang ginagawa natin,” pahayag ni USec Leones.
Kaugnay dito sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng Sierra Madre Summit ang DENR kung saan kinokonsulta ng ahensya ang mga Indigenous People at Civil Society groups kung ano ang kanilang kinakailangan upang magkaroon ng permanente pang kabuhayan at mapaunlad ang Siera madre.
Ayon sa DENR naglaan ito ng 2 milyong piso bilang puhunan sa livelihood program na hihilinging buuin ng mga IP sa Sierra Madre.
Una nang binigyang diin ni Pope Francis sa Laudato Si ang kahalagahan ng mga katutubo dahil ang mga ito ang nagsisilbing tagapagtanggol ng kalikasan.