810 total views
Umaabot na sa 75-libong mga bata ang naisalba ng Caritas Manila mula sa malnutrisyon.
Ibinahagi ito Gilda Garcia – Program Manager ng Caritas Damayan sa ika-15 taong anibersaryo ngayong 2022 ng Caritas Damayan Integrated Nutrition Program.
“Yung budget natin before is just Php10 per meal, and lately because of the pandemic, because of the increase of commodities, food supplies, nag-request tayo ng increase din ng budget para naman masuplayan natin ng quality and nutritous food ng mga bata into 25-pesos per meal,”pahayag ni Garcia Radio Veritas.
Bukod din sa nasasakupan ng Archdiocese of Manila ay naabot din ng nutrition program ang mga Diyosesis sa National Capital Region at iba pang karatig lalawigan.
Bukod sa pagpapakain sa mga bata ay kasama din sa programa ang Self-help Grous (SHEG) at Genesis 129.
Ang SHEG ay ang livelihood assistance para sa magulang ng mga benipisyaryog bata habang ang Genesis 129 naman ay ang pagtuturo sa kanila ng urban garderning upang matiyak na laging may tanim silang mapagkukunan ng pagkain.
“Nagde-develop tayo ng hydrophonic system para yung mga nanay hindi rin hirap na magpalago ng mga tanim lalo na yung mga gulay, so doon makakatulong yon kasi yung mga harvest nila sa tanim maiincorporate nila doon sa pagkain nila on a daily basis sa bahay o sa pamilya nila,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Garcia.
Ang Caritas Damayan Integrated Nutrition Program ay tumatagal ng 120-araw kada lugar, inilalaan ng programa ang tig Php3,200 sa kada isang bata na kabilang sa programa.
Katuwang sa nutrition program ang Assisi Foundation sa Estados Unidos na nagbibigay ng libreng suplay ng mga Manna Pack Rice.
Partner din ng Caritas Manila sa programa ang HAPAG-ASA Integrated Nutrition Program.