Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 377 total views

Homiliya para sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 04 Setyembre 2022, Luk 14: 25-33

May kantang Cebuano na ang pamagat ay SI FILEMON, SI FILEMON. “Nangisda raw sa karagatan, nakahuli ng isdang tambasakan, iyung tipo ng isda na walang kuwenta. Ibinenta daw niya sa palengke at ang kinita ay sapat lang na pang-inom niya ng tuba.”

Ang narinig nating second reading ngayon ay sulat ni San Pablo kay Filemon—hindi mangingisda. Mukhang isang alagad na mayaman ang dating dahil meron siyang alipin at ninakawan ng maraming pera.

Madalang lang nating marinig ang pinakamaikling sulat na ito ni San Pablo. Hindi ito katulad ng ibang sulat niya na addressed sa mga pamayanan katulad ng Corinthians, Philippians, Thessalonians. Itong sulat na ito ay addressed sa isang tao, isang alagad na ang pangalan ay Filemon. Endorsement letter ang dating, iniindorso kay Filemon ang isang taong ang pangalan ay Onesimo, pangalang Latin na ang ibig sabihin ay “May pakinabang, o maaasahan.”

Sa sulat maiintindihan mo na may atraso kay Filemon si Onesimo. Mukhang ito’y isang taong dating malapit sa kanya at pinagkakatiwalaan niya, pero sinira ang tiwala niya, kaya “wala nang silbi sa kanya at hindi na niya maaasahan.” Mukhang hindi lang niloko si Filemon, ninakawan pa siya ng Onesimong ito. At mukhang ang malaking perang iyon ay ipinagkatiwala lang sa kanya para ihatid kay San Pablo na noon ay nakakulong sa bilangguan. Imbes na makaabot kay San Pablo ang pera, mukhang winaldas niya at di na siya bumalik kay Filemon. Sa kamalas-malasan naman, nahuli si Onesimo ng mga pulis at nakulong siya sa bilangguan at napasama sa selda kung saan naroon si San Pablo.

Doon nakilala niya si San Pablo, nagbago ang ugali dahil sa pakikinig sa pangaral ni San Pablo, nagpabinyag at naging Kristiyano. Nang matapos ang sintensya niya, malaya na sana siya, pero saan siya uuwi? Alam niyang itinakwil na siya ng amo niya. Ah, si San Pablo ang gagawa ng paraan. Uutusan si Onesimo na bumalik kay Filemon, humingi ng tawad at ibigay sa kanya ang edorsement letter. Sino ba si Pablo kay Filemon? Parang tatay niya, isang taong pinagkakautangan niya ng buhay niya, isang guro na iginagalang niya at hindi niya matitiis na hindian.

Sa sulat, ang pakiusap ni Pablo kay Filemon ay ganito, “Alam kong may atraso siya sa iyo. Patawarin mo na sana siya. Tanggapin mo siya hindi na bilang alipin kundi bilang kapatid—ibig sabihin, kapatid sa pananampalataya.” Isang matinding drama sa tunay na buhay ang laman ng sulat na ito at isa sa mga saksi dito ay si San Lukas. Kaya tuloy naiisip ko, hindi kaya ito ang dramang naging inspirasyon ni San Lukas para sa Parable of the Prodigal Son? Si San Pablo ang pumapapel na tatay, si Filemon ang kuya, si Onesimo ang bunso na may atraso at nagsasabing, “Kuya, nagkasala ako sa iyo at humihingi ako ng tawad. Kung di mo ako matanggap bilang kapatid, tanggapin mo man lang ako bilang alipin.”

Pero sa endorsement letter na dala niya, malinaw ang hiling ni Pablo kay Filemon: “Tanggapin mo siya hindi bilang alipin kundi bilang kapatid.”

Isang matinding hamon ang sulat na ito kay Filemon para patunayan na isa nga siyang tunay na alagad. Ang punto: ang pagsunod kay Kristo ay di biro.

Ganito rin ang punto ng ating ebanghelyo ngayon: tungkol sa hamon ng pagiging alagad. Kumbaga sa kantang “Magtanim ay di biro”, PAGSUNOD AY DI BIRO.

Sabi ni San Lukas sa simula ng ebanghelyo, maraming tao daw ang sumusunod sa kanya. Ngunit hinarap niya sila at pinagsabihan. Mukhang alam niya na marami sa kanila ay parang natatangay lang sa agos, hindi alam kung ano ang pinapasok nila. Kaya hinamon sila na parang ganito ang ibig sabihin, “Akala ba ninyo madali ang maging alagad ko? Nakahanda ba kayong tawagin kayong mga “Pasaway sa magulang? Rebelde? Sira-ulo? Panatiko?” Kung hindi, mag-isip-isip muna kayo. Hindi naman pasyal, party o pagliliwaliw ang pinapasok ninyo. Baka para kayong hari na lumalaban sa giyera pero wala naman palang ibubuga. Baka para kayong nagyayabang na magtayo ng mansion, e ni kubo pala hindi n’yo kayang itayo.”

“Ayaw ko ng bulag na tagasunod o mangmang na alagad na tipong nakikisawsaw lang, sumusulong dahil natatangay pero umaatras sa huling sandali.” Ito ang hamon niya. Di ba parang ganyan din ang sinasabi ng kantang “I beg your pardon, I never promised you a rose garden.”?

Hindi sapat kay Hesus ang talino o kahusayan sa pag-iisip. Kahit ang mga corrupt o tiwali sa lipunan ay mahusay ding mag-isip. Ang tinuturing nilang katalinuhan ay katusuhan, walang kinalaman sa kaharian ng Diyos.

Ang itinuturo ni Hesus ay karunungan ng puso, kakayahang kumilatis, husay sa pakikiramdam, katulad ng sinasabi sa ating unang pagbasa. Kakaibang klaseng galing—kakayahang unawain ang kalooban ng Diyos. Kay Hesus, kasama na rito ang kakayahang magpatawad, magparaya, humarap sa pagsubok na buo ang loob, umako sa pananagutan, manindigan sa tama, totoo at nararapat kahit ipagdusa pa ito o ikamatay.

Ito, para kay Hesus ang ibig sabihin ng maging alagad niya: hindi alipin ng layaw, kundi anak na tunay na malaya.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,222 total views

 29,222 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,878 total views

 43,878 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,993 total views

 53,993 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 63,570 total views

 63,570 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,559 total views

 83,559 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,329 total views

 7,329 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,459 total views

 9,459 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,458 total views

 9,458 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,460 total views

 9,460 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,456 total views

 9,456 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,328 total views

 10,328 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,530 total views

 12,530 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,563 total views

 12,563 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,917 total views

 13,917 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,013 total views

 15,013 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,221 total views

 19,221 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,940 total views

 14,940 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,309 total views

 16,309 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,571 total views

 16,571 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,264 total views

 25,264 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top