446 total views
Tiniyak ng simbahan sa Pilipinas ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga seafarers at mangingisda sa bansa.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos-Episcopal Promoter ng Stella Maris – Philippines paiigtingin ng simbahan ang mga programa na kapaki-kapakinabang sa mga Filipino seaferers at fisher folks gayundin sa kanilang mga pamilya.
“With the Philippines’ primary role in the maritime industry, we [Stella Maris Philippines] can do more for the seafarers in terms of their spiritual and sacramental formation,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.
Ito ang mensahe ng obispo sa katatapos na training program ng Regional Port Chaplains ng Stella Marish East and Southeast Asia na ginanap sa Pilipinas noong August 29 hanggang September 3.
Paliwanag ni Bishop Santos na layunin ng pagsasanay na mapalakas ang bawat chaplains sa pagtutok at paggabay sa mga manlalayag at mangingisda.
Ibinahagi ng opisyal na may 14 na chaplains ang Stella Maris Philippines na aktibong naglilingkod sa iba’t ibang pantalan sa Pilipinas.
“This is the concern of the church, to let the seafarers feel that the church is with them, caring for them, compassionate and concerned for their welfare; the chaplain training program is to refresh them is to make them renewed and strengthened kung saan ang kanilang gagawin ay just to follow and fulfill what Jesus said and did,” ani Bishop Santos.
Ayon naman kay Stella Maris International Director Fr. Bruno Ciceri bahagi ng pagdiriwang sa isandaang anibersaryo ng grupo ay ang pagpapaigting sa mga programa upang higit mapaglingkuran ang mga manlalayag at mangingisda sa mundo.
Batid ng opisyal ang karanasan sa pandemya na naging hadlang sa pisikal na pagtugon ng mga port chaplains sa pangangailangang espiritwal ng mga seafarers na malayo sa pamilya dahil sa uri ng hanapbuhay.
“Our ministry was challenged from a ministry of physical presence in the ports because the ports were closed and we couldn’t go. Because the seafarers were unable to visit our center, we must shift to a ministry of presence through social media,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Ciceri.
Tinuran ni Fr. Ciceri – kasapi ng Dicastery for Promoting Integral Human Development ng Vatican na ang Pilipinas ay may 400, 000 seafarers sa buong mundo katumbas sa 1/3 ng buong industriya ay Pilipino.
Apela ng opisyal sa simbahan sa Pilipinas na pangalagaan ang kapakanan ng mga seafarers, fisher folks at gayundin ang kanilang mga pamilya lalo’t malaki ang ambag nito sa paglago ng ekonomiya ng bansa dahil sa remittances.
Pinasalamatan ni Fr. Ciceri ang mga manlalayag at kanilang pamilya gayundin ang mga chaplain’s ng Stella Maris na nagtutulungan sa ikabubuti ng pamayanan.
“Let us thank the Filipino seafarers and fishermen for their families who suffer because they are separated from their loved ones for an extended period of time, as well as all the chaplains around the world who care for all seafarers,” ani Fr. Ciceri.