403 total views
Pinaalalahanan ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang mga mag-asawa na ang krus ni Hesus ang sagisag ng pag-iibigan.
Ito ang mensahe ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa taunang pagtitipon ng Marriage Encounter Foundation of the Philippines noong September 3 sa Quezon City.
Ayon sa arsobispo kaakibat ng pagsasama ng mga mag-asawa ang pagiging magkatuwang sa sakripisyo at pagmamalasakit sa isa’t isa.
Paliwanag ni Archbishop Brown na banal ang pagsasama ng mag-asawa sapagkat ito ay habambuhay na pakikipagtipan sa pagitan ng Panginoon.
“Sacrificial love, symbolized by the cross is the foundation of your married life together. You are now in the union of the most sacred and most serious. Most sacred because God established it; most serious because He bound you together for life,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Brown.
Sa nasabing pagtitipon ipinagkaloob ng Marriage Encounter Foundation of the Philippines ang aklat na pinamagatang ‘Pag-aaral, Pagninilay at Pagsasabuhay ng Amoris Laetitia kay Archbishop Brown bilang handog sa Kanyang Kabanalan Francisco.
Nilalaman ng aklat ang pagninilay ng mga kasapi ng MEFP sa Apostolic Exhortation Amoris Laetitia ni Pope Francis na inilathala noong Marso 2016 bilang pagpapatibay sa pundasyon ng mga pamilya.
Itinatag ang Marriage Encounter noong October 1969 sa pangunguna nina Fr. Ruben Tanseco, S.J bilang team priest, Luisito at Asuncion Sison bilang team couples.
Taong 1992 nang naging bahagi ang MEFP sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity kung saan sa kasalukuyan may mahigit ba isandaang trans parochial at parish-based sectors, chapters communities sa buong bansa na pinangangasiwaan ng mag-asawang Robert at Tinette Aventajado.