466 total views
Inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang bawat isa na makibahagi sa pagpapatuloy ng serye ng Laiko Online Conversation.
Nakatakda ang talakayan sa ika-10 ng Setyembre mula alas-dos hanggang alas-kwatro ng hapon sa pamamagitan ng Zoom na maaari ring masubaybayan sa pamamagitan ng pagtutok sa official Facebook page ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.
Tema ng nakatakdang Laiko Online Conversation ang “The Church and Social Issues… Reflecting Together in the Synodal Journey” kung saan tampok ang John J. Carroll Institute on Church and Social Issues.
Matatandaang unang inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na kabilang sa mga nakababahalang realisasyon ng Simbahang Katolika sa isinagawang Synodal consultations sa Pilipinas ay ang kabiguan ng Simbahan na magampanan ang pagiging ganap na ‘Church of the poor’ ng Simbahan sa lipunan.
Ikinababahala ni Cardinal Advincula na nakababahala ang lumabas sa mga naging talakayan na mayroon pa ring malaking agwat ang Simbahan sa mga mahihirap at mga maralita sa bansa.
Paliwanag ng Arsobispo ng Maynila mahalaga ang ganap na pakikipaglakbay ng Simbahan sa mga mahihirap at maralita upang tunay na magampanan ng Simbahan ang misyon nito bilang tagapagbahagi ng biyaya ng Panginoon para sa mga mahihirap at mga nangangailangan, gayundin sa pagsusulong ng dignidad ng bawat nilalang sa lipunan.