Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BABAE SA LIKOD NG BAWAT DAKILANG LALAKI

SHARE THE TRUTH

 375 total views

Homiliya para sa Kapanganakan ng Mahal na Birhen Maria, Huwebes, Ika-8 ng Setyembre 2022, Mat 1:18-23

Karamihan sa mga pyesta ng mga santo at santa ng simbahan ay ipinagdiriwang natin sa araw ng kanilang kamatayan. Itinuturing kasi natin ang kamatayan bilang araw ng kanilang pagsilang sa buhay na walang hanggan.

Pero sa kalendaryo ng Simbahan may tatlong tao lang tayong pinagbe-birthday o ginugunita sa mismong kapanganakan nila. Ang ating Panginoong Hesukristo sa araw ng December 25 o na tinatawag sa Ingles na “Christmas”, si San Juan Bautista kapag June 24, araw na tinatawag namang “Baptistmas”, at si Mama Mary sa araw na ito ng Sept 8 na tinatawag na “Marymas”.

At ang dalawa sa kanila, pati ang araw na sila ay ipinaglihi ginugunita rin natin: si Hesus at ang Inang Maria. Ang paglilihi kay Hesus ay sa March 25, at ang kay Mama Mary sa December 8, eksaktong 9 months bago sila ipinanganak. Bakit kaya?

Mayroong isang kasabihan sa Ingles, “Behind every great man is a woman.” Sa likod daw ng bawat sinumang lalaking dakila ay may isang babae. Palagay ko ito ang pangunahing dahilan kung bakit ipinagbe-birthday natin si Mama Mary. Para sa ating mga Kristiyano si Hesus ay hindi lang dakila kundi PINAKADAKILA, dahil hindi lang Anak ng Tao ang turing natin sa kanya kundi “Anak ng Diyos”! Kaya ang ina na nagsilang sa kanya ay espesyal din; hindi lang siya nagdalang-tao kundi “nagdalang-Diyos.” Iyon ang literal na kahulugan ng title na “Theotokos” sa Griyego: ANG NAGDALANG-DIYOS. Kaya tinatawag natin si Mama Mary bilang “Bukod na pinagpala sa babaeng lahat,” ayon sa sinabi ni Elisabet tungkol sa kanya, dahil ang ibinunga ng sinapupunan niya ang pinakamalaking pagpapala sa sangkatauhan.

Ang kuwento tungkol sa pagsilang ni Maria ay wala naman sa Bibliya. Pero maagang umusbong ang tradisyon na ito sa mga Kristiyano. Matatagpuan ito sa tinatawag na chapter 4 ng Proto-ebanghelyo ni Santiago na isinulat noong 2nd century. At mukhang iyon din ang pinagmulan ng kuwentong mababasa rin sa chapter 3 ng Qur’an, ang tinuturing na Banal na Kasulatan ng mga kapatid nating Muslim.

Isang buong kabanata ang inilaan sa Qur’an tungkol kay Mama Mary. Ang pamagat nito ay AL-IMRAN. Sa Arabic, “Hannah” ang tawag kay Sta Ana, “Imran” ang tawag kay San Joaquin, at “Mariam” naman ang tawag kay Mama Mary. Parang hawig ang kuwento ng Qur’an tungkol kay Hannah na asawa ni Imran sa kuwento ng Bibliang Hebreo tungkol kay Hannah na asawa ni Elkanah.

Di ba’t ayon sa kuwento sa chapter 1 ng Unang Aklat ni Samuel, baog daw si Hannah at sa kanyang katandaan nagdasal daw siya sa Diyos na kung pagkalooban pa siya ng anak kahit matanda na siya, itatalaga niya ito para maglingkod sa templo bilang isang pari. Natupad daw ang hiling niya at nagkaanak siya ng isang lalaki at ang pangalan ay Samuel na naging dakilang propeta.

Kaya sinasabi kong hawig, sa Kasulatan naman ng mga Muslim sa Qur’an, parang ganito rin daw ang dinasal ni Santa Ana, “Panginoon, sa iyo ko itinatalaga ang nasa sinapupunan ko, pinaging-banal mo upang maglingkod sa iyo, kaya tanggapin mo po siya mula sa akin. Kayo ang nakaririnig at nakaaalam.”

Pero nang manganak siya ang sabi daw niya sa Diyos, “Panginoon ko, babae po ang isinilang ko!” Ngunit alam na alam daw ng Diyos ang iniluwal niya, [at winika sa kanya], “Ang lalaki ay hindi tulad ng babae. At Maria ang ipinangalan ko sa kanya, at paaalagaan ko siya sa iyo alang-alang sa susunod na salinlahi, (upang sila’y mailigtas) mula kay Satanas, ang nataboy mula sa habag ng Diyos.”

At ayon sa kuwento ng Qur’an, dinala pa rin siya sa templo kahit babae siya at pinaalagaan kay Zacarias na pari noong bata pa siya.

Sa likod ng bawat dakilang lalaki ay may isang babae. Sa likod ni Jose Rizal, ang babaeng ito ay si Teodora Alonzo Realonda. Sa likod ni Ninoy Aquino naman ay Si Ginang Aurora Aquino. Sa likod ni Papa Francisco ay ang nanay niyang si Regina Maria Bergoglio.

Ang araw na ito ang dapat naging Mother’s day para sa Kristiyanismo. Di ba’t ang pinakabuod ng pagiging Kristiyano ay pagiging bahagi ng Katawan ni Kristo? Kaya mahal natin hindi lang ang Anak, kundi pati ang Ina. Ang nanay niya ay nanay din natin. Kaya buong giliw na tinatawag natin siyang “Mama Mary”, “Indung Birhen” sa Kapampangan, o “Ina” sa Bikolano. Tinotoo natin ang sinabi niya sa Minamahal na Alagad niya, “NARIYAN ANG IYONG INA.” Kaya malakas ang loob nating magpaampon sa kanyang Ina, ay dahil kaibigan at kapatid ang turing sa atin ng Anak niya.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 17,335 total views

 17,335 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,991 total views

 31,991 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 42,106 total views

 42,106 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 51,683 total views

 51,683 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 71,672 total views

 71,672 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,056 total views

 7,056 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,186 total views

 9,186 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,185 total views

 9,185 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,187 total views

 9,187 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,183 total views

 9,183 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,055 total views

 10,055 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,257 total views

 12,257 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,290 total views

 12,290 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,644 total views

 13,644 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,740 total views

 14,740 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,948 total views

 18,948 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,667 total views

 14,667 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,036 total views

 16,036 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,298 total views

 16,298 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,991 total views

 24,991 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top