617 total views
Magtitipon ang mga pari mula sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol na nasa ilalim ng Manto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na siyang patron ng Bicolandia.
Ang Union of Bicol Clergy (UBC) Stronger Synodal Brotherhood with Mary ay gaganapin mula September 13-15.
Sa loob ng tatlong araw ay magtitipon-tipon ang lahat ng mga pari ng rehiyon upang gunitain at ipagdiwang ang kapistahan ng “Reina del Bicol” o ang Nuestra Señora de Peñafrancia.
Bahagi ng layunin ng pagtitipon ay upang sama-samang manalangin, at pakikiisa sa hangaring pagkakaroon ng mas malalim na kapatiran sa paggabay ng patron ng Peñafrancia.
“All Bicolano clerics and clerics currently assigned in these 8 ecclesiastical jurisdictions in Bicol shall gather to celebrate the august feast of the “Reina del Bicol”, Nuestra Señora de Peñafrancia. Three days of prayer, sports and camaraderie towards a “stronger synodal brotherhood with Mary.” Ang bahagi ng pahayag ng Union of Bicol Clergy (UBC).
Kabilang sa walong nasasakop ng Bicol region ang Arkidiyosesis ng Caceres, mga Diyosesis of Libmanan, Daet, Legazpi, Virac, Sorsogon at Masbate, maging ang Military Ordinariate of the Philippines.