722 total views
Nakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa pagdadalamhati ng pamilyang iniwan ni Queen Elizabeth II na pumanaw noong September 8.
Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos -vice-chairman ng CBCP-ECMI at Stella Maris Philippines Bishop Promoter, higit na ikinalulungkot ng komisyon ang pagpanaw ng Reyna ng Britanya.
Kinikilala ng Obispo ang malugod na pagtanggap ni Queen Elizabeth II sa ibat-ibang pananampalataya ng mga migrante dumadating sa bansa.
“Queen Elizabeth II showed her maternal impartiality and religious fairness when she allowed our migrants to practice our Christian faith according to one’s preference and beliefs,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Pinuri din ng Obispo ang pagtanggap sa pamumuno ng yumaong Reyna sa mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho sa bansa.
Ayon sa Obispo, katangi-tangi ang pagtanggap ng Reyna na kawangis ng pagmamahal ng isang ina sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nais magtrabaho sa bansa higit na sa sector ng Health Care.
“She welcomed and accepted them with care, love and maternal protection, our medical service workers there are recognised with hard works, honesty and dedication especially during this Covid19,” ayon pa sa mensahe ng Obispo.
Batay sa 2020-data ng Philippine statistics Authority, aabot sa 6.7% ng 1.77-milyong mga OFW ang nagtatrabaho sa Europa.
Base naman sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ayon sa pagpapadala ng mga migrants workers na mula sa Britanya ng salapi sa Pilipinas ay aabot sa 771-libo ang mga Pilipinong migrante at OFW sa bansa.