587 total views
Mahalaga ang gagampanang tungkulin ng simbahang katolika sa pagpapatupad ng Republic Act No.11767 o Foundling Recognition and Protection Act.
Ito ang mensahe ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ceromonial signing ng Implenting Rules and Regulation ng RA 11767.
Inihayag ni Janella Ejercito Estrada, Undersecretary for National Authority for Child Care ng D-S-W-D na nakapaloob sa batas na maituturing na ligtas na lugar ang mga simbahan at mga institusyon na nangangalaga sa mga inabandonang bata at sanggol.
“The Government through their help also needs to estbalish our presence and relevance at the community. The Government cannot do it alone, we need all the help we can get, lalo na mula sa simbahan,” ayon sa mensahe ni Usec Estrada sa Radio Veritas.
Tiniyak naman ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na higit na bibigyan ng proteksyon ng batas ang mga batang inaabandona ng kanilang magulang.
Nakapaloob sa RA 11767 na agad kikilalanin bilang 100% Pilipino ang mga foundlings o batang matatagpuan na walang pagkakilanlan.
Saklaw din ng batas ang mga bata na matatagpuan o isusuko sa mga embahada, ahensya at teritorya ng Pilipinas sa ibayong dagat.
Batay sa Datos ng World Without Orphans, aabot sa 1.8-milyong mga bata ang ulila o maituturing na neglected children sa Pilipinas.
Ayon naman sa tala ng Philippine Statistics Authority, aabot ang bilang ng mga foundlings sa mahigit 6,600.
Sa tulong ng mga kongegrasyon at iba’t-ibang diyosesis ay nangunguna at aktibo ang simbahang katolika sa pangangalaga ng mga batang inabandona ng kanilang mga magulang.