565 total views
Kinilala ni Aiza Asi, Filipina Doctor of Philosophy student in Economics at Economy of Francesco Executive Committee Member ang mahalagang papel ng mga kabataan sa gaganaping world meeting ng Economy of Francesco sa September 22 hanggang 24 sa Assisi Italy.
Ayon kay Asi, ang mga kabataan at economic leaders sa buong mundo ang unang tinawagan ni Pope Francis upang baguhin ang sistema ng ekonomiya ng may pagpapahalaga sa kapwa at sanglikha.
“One of the characteristics of young people that cannot be undervalued is their ability to dream, to imagine a better world and to inspire others to do the same especially at a time when we feel the adults do not understand us,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Asi.
Umaasa si Asi na maisabuhay ng buong mundo ang aral at sistema ng Economy of Francesco upang sama-samang matulungan tungo sa pag-angat ng kalidad ng buhay ang kapwa ng hindi sinisira ang mundo.
Simula ng ilunsad ang inisyitibo noong 2019, naipapatupad ang mga katuruan at sistema ng Economoy of Francesco sa mga bansa sa anim na kontinente.
“tulad ng Italy, Brazil, Argentina at iba pa that are very advanced in its approach at may mga project na at National levels so umabot na tayo sa buong mundo, kahit kakaunti pa yung representatives like for example sa Oceania, Northern America pero atleast may mga kabataan na doon na tumugon sa panawagan ng Santo Papa,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Asi.
Sa kauna-unahang pisikal na pagdaraos ng inisyatibo ay inaasahan ang pagdalo ng mahigit 1,000 mga kabataan mula sa 100-bansa na kalahok sa pagtitipon.
Ang mga delegado ay hatiin sa 12 Villages upang masinsinang matalakay ang mga paksa ng Agriculture and Justice, Life and Life-Style, Vocation and Profit, Work and Care, Management and Gift, Finance and Humanity, Policies for Happiness, Business and Peace, Women for Economy, Energy and Poverty, Businesses in Transition at CO2 of Inequalities.